in

3 Rehiyon sa zona arancione at 5 Rehiyon sa zona gialla

ako-ay-pilipino

Simula ngayong araw, December 6, ay muling nagkaroon ng pagbabago sa tatlong bahagi o ‘zona’ ng Italya. Ito ay batay sa pinirmahang ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza ukol sa pagbabago ng mga Rehiyon.

Sa katunayan, tatlong (3) rehiyon: ang Campania, Toscana, Valle d’Aosta at ang Provincia di Bolzano, (mula zona rossa) ay naging zona arancione habang limang (5) rehiyon naman ang bumalik na sa zona gialla (mula zona arancione). Ito ay ang mga rehiyon ng Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Marche, Puglia at Umbria

Ang rehiyon ng Abruzzo na lamang ang naiwang rehiyon sa zona rossa at inaasahan ang pagbalik nito sa zona arancione sa Miyerkules, December 9.

Samakatwid, narito ang mga Rehiyon batay sa huling mga pagbabago

  • Zona Gialla: Lazio, Molise, Provincia Autonoma di Trento, Sardegna, VenetoLiguria, Sicilia, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Marche, Puglia, Umbria
  • Zona Arancione: Basilicata, CalabriaLombardia, Piemonte, Campania, Toscana, Valle d’Aosta, Provincia Autonomo di Bolzano.
  •  Zona Rossa: Abruzzo

Basahin din:

Pasko Ako ay Pilipino

Paano ipagdiriwang ang araw ng Pasko batay sa decreto Natale?

Paracetamol sa halip na Panettone, regalo ng Santo Padre sa mga empleyado ng Vatican