in

20 finalists sa Miss Italia nel Mondo Special Edition

Ang mga finalists na napili ay makakasama ang 224 Miss Italia candidates sa Montecatini Terme sa Aug 26.

Roma – Agosto 8 , 2012 – Sa unang unang pagkakataon, ang title ng Miss Italia ay maaari ring iuwi ng dalagang imigrante na naninirahan sa Italya. Ito ay tatawaging Miss Italia nel Mondo Special Edition. Isang rebolusyon sa kasaysayan ng Miss Italia, ang beauty contest na nilikha ni Enzo Mirigliani noong 1991 at inilalaan sa mga dalagang buhat sa lahing Italyano ngunit sa labas ng bansang Italya naninirahan.

Ipinaliwanag ni Patrizia Mirigliani na ang desisyon ng isang ‘Special Edition’ ngayong taon, ay naglalayong iparamdam sa mga kadalagahang bagong ‘bida’ ng beauty contest ang glamour at curiosity na ipagkaloob ng titolo ito, na nagtataglay ng katangiang nilikha ng kanyang ama, na si Enzo, sa nakaraan bilang pagtanggap sa mga pagbabago at traspormasyon na ibinibigay mismo ng sosyedad.

Dalawampung naggagandahang mga dalaga ang napili sa ginanap na ‘selection’ sa Roma ilang araw na ang nakakalipas para sa Miss Italia nel Mondo Special Edition. Ang mga napiling finalists ay makakapiling ang 224 Miss Italia candidates  sa August 26 sa Montecatini Terme.

Narito ang mga pangalan ng mga finalists.

Santoromito Stephanie – Tunisia (Roma)
Wahib Nezha –  Morocco  (Palermo)
Kaur Navdeep – India (Soncino, Cremona)
Da Silva Ana Carolina – Brazil (Oderzo, Treviso)
Kontaki Sanaa – Morocco  ( Treia, Macerata)
Andibuduge Nayomi – Sri Lanka  (Roma)
Blanuta Valentina – Moldova  (Tivoli, Roma)
Maranges Aylen Nail – Argentina (Ispica, Ragusa)
Pouye Aminata – Senegal  (Figline Valdarno, Firenze)
Cecco Nadia – England (Corigliano Calabro, Cosenza)
Ponce Ana Claudia – Peru (Roma)
Torres Reyes Rafelina – Dominican Republic (Pavia)
Jasimi Adriana – Albania (Dicomano, Firenze)
Monteiro Da Luz Eloneida Patricia – Cape Verde (Pozzuoli, Napoli)
Bondarenko Tetiana  –  Kazakhstan (Roma)
Basilio De Souza Kaline – Brazil  (Roma)
Soares Fortes Riquiline Kely – Cape Verde (Roma)
Farcas Beatrice – Romania (Padova)
La Rosa Leyva – Cuba (Belluno)
Violetta Yu Shujian –  China  (Roma)
RISERVE:  Iwuanyanwu Chizoba – Nigeria  (Verona),
Souza Campos Bianca Agnes – Brazil (Taio, Trento),
Cucolas Adriana Maria – Romania (Aquila).

 

Habagat, sinalanta ang Metro Manila at mga katabing lalawigan

Mga paglilinaw ukol sa conversion ng mga driver’s license ng mga Pilipino