in

19,143 bagong positibo sa Covid19 sa huling 24 oras

Hindi mapigilan ang mabilis na pagdami ng mga infected ng coronavirus sa Italya. 

Sa katunayan, mula 16,079 kahapon (Oct. 22,) ay tumaas sa 19,143 ang mga bagong positibo sa huling 24 oras. Isang pagtaas ng 3,064.

Kasabay nito ay ang pagdami din ng mga pasyente na may sintomas sa ospital +855 at nasa ICU +57.

Samantala bumama naman ang bilang ng mga namatay mula 136 kahapon, ay 91 ngayong araw. 

Record ng tamponi naman ang naitala na umabot sa 182,032, mas mataas ng 11,640 kumpara kahapon (170,392).

movida-ako-ay-pilipino

Ilang plasa ng Movida sa Roma, isasara simula ngayong gabi

ako-ay-pilipino

Mga dapat ihanda sa banta ng panibagong lockdown