in

12 biktima at 376 katao ang infected ng covid-19 sa Italya

Kasagsagan ng Covid-19 sa Italya at kasalukuyang nagtala na ito ng 12 biktima at 376 kasong positivo sa virus sa loob lamang ng higit na 4 na araw. 

Sa isang komunikasyon, ngayong araw Pebrero 26, alas dose ng tangahli ay nagbigay ang Civil Protection Agency ng opisyal na bilang:  Lombardia, 258 – Veneto, 71 – Emilia Romagna, 30 – Piemonte, 3 – Toscana, 2 – Trentino Alto Adige, 1 – Liguria, 2 – Sicilia, 3 – Marche, 1 – Lazio. 3

Samantala, makalipas lamang ang ilang oras ay tumaas na mula sa 2 sa 4 ang bilang sa Liguria. 

Kaugnay nito, sa isang press release ng Spallanzani hospital, ang mag-asawang turistang Chinese na nag-positibo sa covid-19 ay pareho ng tuluyang gumaling. ( PGA – sources: Protezione Civile, Ansa)

Sa gitna ng paghahanap kay Pasyente “O”, 2 bagong kaso ng Covid-19 naitala sa Firenze

Covid-19: Ang mga toll free numbers sa bawat Rehiyon sa Italya