in

1049 katao, positibo sa Covid-19 sa Italya

Kasalukuyang may 1049 katao sa bansa ang positibo sa covid-19. Ito ang inanunsyo ni Coronavirus Emergency Commissioner Angelo Borrelli, sa pinakahuling ulat ngayong araw, Feb. 29, 2020, alas sais ng hapon.

Ang nabanggit ay mula sa kabuuang bilang na 1128 katao na nag-positibo sa virus:

615 – Lombardia,

217 – Emilia-Romagna, 

191 – Veneto,

42 – Liguria, 

13 – campania; 

11 – Piemonte, 

11 – Toscana,

11 – Marche,

6 – Lazio,

4 – Sicilia,

3 – Puglia,

2 – Abruzzo,

1 – Calabria 

1 – Bolzano.

May 401 katao ang kasalukuyang mga nasa ospital at nakakaramdam ng sintomas, 105 katao ang nasa Intensive Care Unit (ICU) habang 543 katao naman ang sumasailalim sa home isolation o nananatili sa  kani-kanilang tahanan, halos walang sintomas bagaman nag-positibo sa virus. 

Samantala, 50 katao naman ang gumaling na at 29 katao naman ang sa kasamaang-palad ay binawian ng buhay. Halos lahat ay may edad na at may naunang karamdaman bago tamaan ng virus. (ni: PGA)

Covid19 may apat na tipo sa Italya

Itutuloy ko ba ang aking bakasyon sa Pilipinas ngayong Marso sa kasagsagan ng Covid-19 sa Italya?