in

Facebook, Instagram at WhatsApp, offline!

Bandang 5:40 ng hapon ngayong araw sa Italya nang sabay-sabay na nag-offline ang Facebook, Instagram at Whatsapp.

Alam namin ang problema at kasalukuyang walang access sa aming mga app. Nagsusumikap kami na maibalik ang serbiso sa lalong madaling panahon at kami ay humihingi ng paumanhin sa balang hatid nito”, ayon kay Andy Stone, ang Communication Manager ng Facebook sa Twitter. 

Mabilis na kumalat ang balita sa Twitter sa pamamagitan ng mga users nito na nag-report ng anomalya. Ang mgna hashtags na #whatsappdown, #instagramdown at #facebook down ay mabilis na kumalat at umabot ng higit sa 35,000 tweet sa loob lamang ng ilang minutos. Hindi pa malinaw hanggang sa kasalukuyan ang sanhi ng problema at wala pang anumang paliwag. 

Huling naitalang down ang system ng mga nabanggit na tatlong apps noong nakaraang March 19, 2021 at ito ay nagtagal ng 45 minutes. 

Hanggang sa oras na isinusulat ang artikulong ito ay offline pa rin ang mga nabanggit na apps.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

High risk zone sa Italya, 1 Rehiyon na lang

Digital Idenity, para sa access sa website ng Agenzia dell’Entrate