in

Aplikasyon ng Italian Citizenship, sa pamamagitan lamang ng SPID simula Setyembre

Simula September 1, 2020, ang access sa pagpapadala ng aplikasyon online ng italian citizenship ay esklusibong sa pamamagitan lamang ng SPIDSistema Pubblico d’Identità Digitale  sa website ng Ministry of Interior

Ang SPID ID ay tumutukoy sa digital ID o iisang username at password na magpapahintulot sa access sa anumang online service ng Public Administration.

Matapos magkaroon ng SPID sa pamamagitan ng napiling provider, ang aplikante ay maaaring magkaroon ng access sa website ng Ministry sa pamamagitan ng link “Entra con SPID” at dito ay makikita ang mga online serives nito. 

Para naman makita ang estado ng aplikasyon na naipadala na, ang aplikante ay kailangang piliin ang isa sa mga sumusunod: 

  1. Associa Pratica inviata online” upang ma-recover ang aplikasyon na isinumite online;
  2. Primo accesso alla domanda cartacea” para sa mga unang access online ng mga aplikasyon na isinumite online. 

Para sa mga nagsumite ng aplikasyon ng italian citizneship gamit ang lumang pamamaraan o sa pamamagitan ng email address, sa unang access gamit ang SPID ay kailangang piliin ang “Associa Pratica”. Isang paraan na lamang ang pahihintulutan simula Setyembre. 

Pagkatapos, sa Menu ay maaaring pumili sa mga sumusunod:

  • Visualizza stato della Domanda;
  • Comunicazioni 

Basahin din:

SPID, narito kung paano magkaroon

Regularization 2020: Mga aplikasyon, umabot sa 160,000 hanggang July 31

preventive-measures-anti-covid

Bagong dekreto na nagpapalawig ng mga preventive measures anti-covid, pinirmahan ni Conte