Mga dayuhang walang regular na permit to stay, binigyan ng order of expulsion sa Florence

Patuloy pa rin ang masusing kontrol ng awtoridad sa mga pangunahing lungsod ng bansa.

Maging sa Florence ay higit sa 6 na dayuhan na walang regular na permit to stay ang nakontrol kamakailan at sumailalim sa identification ng awtoridad sa Via Ponte alle Mosse at Piazza Santa Maria Novella.

Paglabag sa batas ng pananatili at paninirahan sa bansa ang ipinataw at sinimulan din ang proseso ng order of expulsion. Dalawa ang binigyan ng expulsion with accompaniment at the border at ang dalawa naman ay expulsion with voluntary departure.

Bukod sa mga nabanggit, karagdagang 4 na dayuhan pa ang kinilala at binigyan ng order of expulsion ng awtoridad na kailangang lumabas ng bansa sa itinakdang panahon ng batas.

 

PGA