Thursday, Mar 05th

Last update11:33:31 AM GMT

Jao’s Cup with PBA Legends, nagbalik!

Rome, Enero 31, 2014 - Muling umarangkada ang mag-asawang Jeff at Karen Ocampo at nagbalik sa JAO’s CUP One-day League with PBA Legends na sina Bong “The Specialist” Ravena, Noli “The Tank” Locsin at Alvin “The Captain” Patrimonio. Ginanap noong January 26 sa Torrevscchia Roma.

Puno ang gym, nakakabingi ang tiliian ng mga ‘tifosi’ at di magkamayaw ang mga fans.

Wala pa ring kupas ang mga PBA legend players at talagang iniidolo pa rin ng mga basketbolista sa Roma. Bagaman retired na, ay mainit pa rin ang pagtanggap sa mga ito. Walang patid ang tilian at kinikilig na nagpa-picture ang mga kababaihan na halos maging hadlang sa exhibition game hanggang sa dinner meet and greet sa mga panauhin.

Read more...

Ed Frisnedi Cup

Roma, Enero 31, 2014 - Ang Ed Frisnedi Cup ay isang torneo alay sa isang miyembro ng Pinoy Darters in Rome na sumakabilang buhay kamakailan lamang dahil sa renal failure. Minarapat ng grupo ang mag-organisa ng maliit na torneo bilang pagpugay, pagkilala at paggunita kay Ed na taus-pusong sumuporta Pinoy Darters noong nabubuhay pa.

Read more...

Randy Bosque, Hari ng 9-Balls sa Italya

Roma, Enero 30, 2014 - Sa pagpasok ng taong 2014 ay nasargo ni Randy Bosque ang titolong ‘Hari ng 9-Balls sa Italya’ na ginanap noong ika-5 ng Enero sa The Cathedral Billiard Room. Mula sa Firenze, napanalunan ni Randy ang titolo mula sa 16 na manlalaro na nagbuhat  pa sa Vicenza, Milan, Firenze, L’Aquila at gayun din sa Roma.
 
Matatandaan na si Randy rin ang tinanghal na Hari ng 9-Balls noong Marso ng nakaraang taon.
 
Narito ang listahan ng mga manlalarong lumahok:
Mula sa Firenze: Randy Bosque at Emerson Bosque
Mula sa Vincenza: Mark San Juan
Mula sa Milano: Albert Diaz, Erwin Recinto, Julius Luya
Mula sa L’Aquila: Eddie Gonzales at Ruben Gonzales
Mula sa Roma: Kenneth dela Cruz, Catalino Manuel, Jigs dela Pena, Joseph Delen, Joel Camposo, Aldrin Salazar, Bryan Bahiya at Nestor Licud.

Read more...

Pacman, panalo ulit!

Muling nagbigay ng karangalan sa bansa si Manny "Pacman" Pacquiao matapos talunin si Brandon Rios sa laban sa Cotai Arena sa Macau, Linggo ng hapon.

Kasabay nito ay muling nakabangon si Pacman matapos ang dalawang sunod na talo sa kamay nina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez.

Nagwagi ang People's Champ via unanimous decision sa iskor na 120-108, 119-109 at 118-110.

Read more...

Pilipinas, balik sa world basketball map

Manila - Pinatunayan ng Gilas-Pilipinas na kaya nang sumabay ng Pinoy basketball sa pinakamagagaling sa mundo at hindi hadlang ang kulang na preparas­yon at international exposure.  

Ginanap sa Pilipinas ang FIBA Asia Championship sa unang pagkakataon mula 1973, taon na nagkampeon din ang mga Pinoy sa likod ni Robert Jaworski.  Ang pakikipaglaban noong  Agosto 11 ay nagsilbing qualifier sa 2014 FIBA World Championship sa Spain.

Read more...