Rome, Abril 30, 2013 - Hindi pa man ganap na natatapos ang winter season, pinangunahan ng AS FIL-ROMA at ng HAGIBIS Bikers,ang isang cycling race na ginanap noong March 10, 2013 sa Pista Ciclabile Magliana na pinamagatang MTB HAGIBIS 2013 Short Track Race. Itinanghal na kampeon si John Mar Cabreros, pumangalawa si Jojo Mecha at pangatlo si Roden Casio.
MTB HAGIBIS 2013 1-Day Short Track Race, kumarera sa Roma
Hari ng 9-Balls, mula sa Firenze
Sa pangunguna ng AS-Fil ay ginanap ang palaro sa bilyar, kung saan nabuo ang Pinoy Billiard Club in Rome.
Roma – Marso 26, 2013 - Hinirang bilang Hari ng 9-Balls ang taga-Firenze na si Randy Bosque. Pinangunahan ng AS Fil-Roma o Associazione Sportiva dei Filippini a Roma ang torneo. Dinaluhan ng dalawampu’t isang manlalaro upang magtunggali para sa trono noong nakaraang Feb 24 sa Cornelia Club.
1-day Basketball League ng KMP, isang tagumpay
Isa sa layunin ng KMP o Kapisanan ng mga Mangagawang Pilipino ang itaguyod ang sport.
Ascoli Piceno – Marso 26, 2013 - “Fun and excitement” – ito ang tema sa ginanap na 1-day Basketball League sa Ascoli Piceno noong nakaraang linggo, ika -17 ng Marso. Sinalihan ito ng 6 na kupunan, ang Mancini team ng Roma, Ancona, Pescara, L'aquila, Filipino Community of Arezzo at ang host team sa Ascoli Piceno, ang KMP.
Halos 600 na Pilipino ang dumalo at nanggaling pa sa ibat-ibang bahagi ng Italya. Nanalo sa nasabing palaro ang grupo buhat sa Roma, at ang MVP award ay iniuwi naman ng manlalarong si Mac Alviar at kasama din sa mythical 5 ang kapatid nitong si Paul Alviar.
Balotelli? Huwag maglaro!
Kung ang mga rasista ay palalabasin ang team sa court, ang joke ni Paolo B ay, i-bangko si Super Mario. Maliban na lamang kung ang VP ay aatras.
Roma - Pebrero 5, 2013 - Kung ang ‘chorus line’ mula sa stadium ay magpapahinto ng laro, para sa isang offensive racist phrase ng VP ng iyong team, ay hindi dapat sinimulan ang laro.
Hindi pa rin sumasagot si Mario Balotelli laban sa mga salita ni Paolo Berlusconi. Gayunpaman, makalipas ang ilang araw ay kinakailangang solusyunan ang tadhana ng championship (at ayon sa ilang observers, bigyan ng 2 consensus points ang Pdl sa susunod na eleksyon) ay naging, para sa kanyang mga superiors “the little black in the family” (o negretto di famiglia)
Paolo Berlusconi: Balotelli? Ang ‘negretto’ ng pamilya
Isang ‘joke’ ng kapatid ng ex-Prime Minister sa isang public event ng Pdl. Ang video.
Rome – Pebrero 5, 2013 – Hindi sapat ang buuu at mga insulto mula sa stadium, sa ngayon si Balotelli ay isang ‘negro’, paumanhin isang ‘negretto’, maging para kay Paolo Berlusconi, ang VP ng Milan.
Sa pagsasalita noong nakaraang Linggo sa isang public event ng Pdl sa Monza, ang kapatid ng ex-Prime Minister ay nagsalita ukol sa tagumpay ng Milan laban sa Udine at ang posibilidad ng isang ‘come back’ na magpapahintulot sa team para makapasok sa European Cup. Pagkatapos ay tinukoy ang bagong ‘import’ ng team: “Ngayon, tingnan natin ang ‘little black ng pamilya, ang ‘testa matta…….’
Roma


