Azkals, ika-147 sa FIFA ranking

Apat na pwesto ang ibinaba ng Philippine Azkals sa FIFA ranking matapos mabigong makapasok sa finals ng Football Federation (AFF) Suzuki Cup kamakailan. Matatandaang natalo ng Singapore Lions ang Azkals sa semi-finals ng Suzuki Cup.

Bumaba sa ika-147 ngayon ang Philippine national football team mula sa ika-143 na pwesto na itinuturing na pinakamataas na narating ng grupo.

 Samantala, nasa ika-22 pwesto naman ang Azkals sa ranking sa Asya matapos ang mga bansang Singapore, Indonesia at Malaysia.

Muling lalaban ang Azkals sa susunod na taon sa qualification round ng AFC Challenge Cup.