Azkals, babawi sa second leg!

Isang tabla 1.1 ang resulta ng Philippine football team Azkals at host squad Sri Lanka Brave Reds sa opening leg ng kanilang 2014 World Cup qualifier first round match sa Sugathadasa Stadium sa Colombo.

Ang Sri Lankan veteran Chathura Guna­rathna sa 41st minute ang gumawa ng unang score.alt

Sinalba naman ng Fil-Am Nate Burkey sa 49th minute ang Azkals upang itabla ang laban may walong minuto matapos maiwan ng Brave Reds.

Ang second leg ay sa Linggo ng alas-3:30 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila. Ang mananalo sa tie ng Azkals at Sri Lanka ang aabante sa second round laban sa Kuwait.

Kung sakaling ang laro sa second leg ay mauwi sa scoreless draw, ang Azkals ang aabante sa second round sa bisa ng mas matimbang na away goal.