Monday, Nov 24th

Last update10:20:49 AM GMT

Whitney, maaaring hindi namatay sa lunod

altSa ginawang autopsy kay Whitney Houston, ang natagpuang tubig sa lungs ng singer ay maaaring hindi dahilan ng pagkamatay nito. Ang hinala ng L.A. County Coroner officials ay maaaring ang combination ng Xanax at ilang prescription drugs mixed with alcohol.

Ayon sa isang source mula sa pamilyang Houston, ang aunt ni Whitney na si Mary Jones ang nakakita ng katawan ni Whitney na nasa bathtub. Inaayos diumano ni Mary ang isusuot na damit ni Whitney. Ang hindi paglabas ni Whitney matapos ang kalahating oras ay naging dahilan ng pagpasok nito at nakitang nakalubog na si Whitney sa bathtub. Binigyan niya ito ng CPR ngunit kinailangang tumawag sa 911.

Ang bangkay ni Whitney, ayon sa mga report, ay dinala sa hometown nito sa Newark, New Jersey kung saan sinalubong ng mga malungkot na tagahanga niya. Sa Sabado ang libing ni Houston at nais na gawing private ang funeral nito ng kanyang pamilya.

Nakumpleto na ang autopsy pero ang toxicology report ay naka-pending pa ang result at ilalabas ito matapos ang 4 hanggang 6 na linggo.