Sharon Cuneta, opisyal na TV5 Kapatid na!

altOpisyal na TV5 Kapatid na si Sharon Cuneta at limang taon ang kontratang pinirmahan nito noong Nobyembre 22 na magiging epektibo sa Enero 1, 2012.

Ayon sa mga ulat, aabutin ng P1 bilyon ang kiki­tain ni Sharon sa Kapatid Network sa loob ng limang taon at ito ay itinanggi naman ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan. Ang tanging kinumpirma ng senador ay ang limang taon na kontrata ni Sharon pero hindi na ito nagbigay ng halagang kikitain ng kanyang asawa.

Todo suporta si Pangilinan sa panibagong hamon na kakaharapin ng kanyang asawa ngayong nasa bakuran na ito ng TV5 matapos ang ilang dekadang pamamalagi sa ABS-CBN.

“Kung saan siya masaya she has my 110 percent support,” pagtatapos pa ni Pangilinan.