Psy Manila Concert, gaganapin sa susunod na taon

Hindi matutuloy ang pinakhihintay na konsyerto ng taon, ang Manila concert ng South Korean na si Psy sa dapat sana ay sa Dec 20, sa SM mall of Asia.

"Logistical issues" diumano ang dahilan ng pagpapaliban ng concert at sa halip ay gagawin ito sa susunod na taon, February 2013, matapos ang dalawang buwang pagpapaliban.

" Psy remains extremely excited about visiting the Philippines and looks forward to performing for his fans in early 2013," ayon sa local promoter at concert producer na si Joed Serrano ng Thats Ntertainment and Ovation Productions.

Ang music video ni Psy na "Gangnam Style" ang may pinakamaraming hits o views sa You Tube na umaabot na sa halos 972 milyon mula nang i-upload ito noong nakaraang Hulyo.