CHARICE, may second movie project!

altMay second movie project sa Hollywood si Charice. Malia ang pangalan ng karakter na gagampanan  nya sa Here Comes The Boom, ang kanyang second Hollywood movie na pinagbibidahan nina Salma Hayek, Kevin James at Henry Winkler.

Kinukunan sa Boston ang mga eksena ng pelikula na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa susunod na taon.

Si Adam Sandler at ang Columbia Pictures ang producers ng comedy movie at mula ito sa direksyon ni Frank Coracim, ang direktor ng mga pelikulang Click, Around The World In 80 Days, The Wedding Singer at The Waterboy.

Ngunit si Rodney Brazeu, ang American movie blogger ay kinukuwetsyon ang pagkakasali ni Charice sa Salma Hayek movie. Si Rodney ang senior editor ng The Movieblog.com, ang website na nagmamalaki na ito ang official home of correct movie opinions. “Casting a person who might be famous somewhere else does NOT guarantee success”, ayon pa dito. “ I think she might have a career in music — she was a terrible in her brief appearance on Glee (but sang well). Casting popstars instead of actors RARELY helps a film. They would be better off casting an ACTOR instead”, pagtatapos pa nito.