Friday, Nov 28th

Last update12:07:17 PM GMT

Derek at Angelica broke-up, kumpirmado

altKinumpirma ni Derek Ramsey sa kanyang twitter account na ang limang taong relasyon nila ni Angelica Panganiban ay tapos na. Ayon pa kay Derek, bawat sandal diumano ng kanilang relasyon ay hindi nasayang at iingatan.

Bago inihayag ang hiwalayan sa media, unang inihayag na mayroong mga bagay na dapat ayusin sa kanilang relasyon. Napabalita na si John Lloyd diumano ang dahilan na mabilis namang pinabulaanan ni Derek at sinabing walang third party involved. Samantala, ayon sa mga followers ni Derek sa Twitter ay nag-komentong di si John Lloyd kundi ang aktres na si Sam Pinto na nakasama nito sa October fest. Mabilis ang naging sagot no Derek at sinabing “no one is at fault here. Please respect our decision”.

Jessica Sanchez on top 4

altRome, May 5, 2012 - Jessica Sanchez, the 16-year-old Filipino-Mexican-American sensation continues her journey on the reality singing contest, after declared safe during the show's latest elimination Thursday, May 3.

She now moves on to the top 4 round of the hit show, along with fellow finalists Joshua Ledet, Phillip Phillips, and Hollie Cavanagh.

Sanchez's performance of "You Are So Beautiful" was "just that - beautiful… It was magnificent," said mentor Jimmy Iovine.

On the other hand, like judge Randy Jackson, Iovine was not satisfied with Jessica's performance of the Tina Turner staple "Proud Mary."

Jennifer Lopez said that her more sophisticated look might turn off some fans.

Gary V., isa sa mga hurado ng The X Factor Philippines

Mr. Pure Energy bilang hurado at mentor ng The X Factor Philippines.

altMayo 2, 20102 - Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano bilang isa sa mga hurado at mentor ng singing-reality competition na The X Factor Philippines.

Ang 29 years experience ni Gary V. sa industriya ay gagamatin naman sa pagkakataong ito para hanapin ang susunod na singing superstar sa Pilipinas. Bibigyan ni Gary V. ng mga pagsasanay ang ilang contestants bilang isang mentor. Kakailangin diumano ito upang mailabas ang ‘X factor’ ng mga contstants.

Isa sa mga napabalitang hurado at mentor ay ang Concert King na si Martin Nievera.

Ang The X Factor ay isang worldwide hit franchise na nagsimula sa UK. ABS-CBN ang nakakuha ng eksklusibong rights na maging local ang programa at si KC Concepcion ang napili nito bilang host.

 

Pangulo at Grace Lee, hiwalay na?

altAbril 17, 2012 - Tahimik ang mga tagapagsalita ng Malacañang ukol sa balitang paghihiwalay diumano nina Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at sa naugnay dito na si Grace Lee.

Hindi diumano tinatanong ng presidential spokesperson Edwin Lacierda ang Pangulo ukol sa kumalat na balita lalo na’t nauugnay ito sa personal na buhay nito.

Buwan ng Enero ng kasalukuyang taon nang naging maninit ang mga balita ukol sa madalas na paglabas ng Pangulo at ng Korean radio at TV personality na si Lee. Kinumpirma na rin ng Pangulo ang kanilang madalas na pagkikita.

Ngunit lumabas kahapon sa rappler.com ang tila break-up ng dalawa. Ayon pa sa ulat, ay tatlo diumano ang sources na malapit sa Pangulo na kinumpirma ang break-up na nagapan ngayong buwan ng Abril.

Jessica Sanchez, pinabilib ulit ang mga judge sa AI

altAbril 5, 2012 - Pinabilib muli ni Jessica Sanchez, ang Filipino-Mexican ang American Idol judges sa kanyang pag-awit sa isa pang classic song ni Whitney Houston, at sa duet performance nila ni Joshua Ledet,  isa ring contestant  sa AI.

Sa episode ng sikat na US singing contest na ipinalabas ngayong Huwebes sa Pilipinas (Miyerkules sa US), mga sikat na kanta noong dekada 80 ang inawit ng natitirang walong contestants.

"How Will I Know" ni Whitney Houston ang inawit ni Jessica sa kanyang solo performance.  Ito na ang ikalawang pagkanta ni Jessica sa mga awitin ni Whitney. Ang una ay ang "I Will Always Love You," kung saan napatayo niya ang mga AI judges na sina Randy Jackson, Steve Tyler at Jennifer Lopez.

Positibo naman ang mga naging puna ng mga hurado. Subalit higit na nagustuhan at napatayo ang tatlong hurado sa duet nina Jessica at Joshua, sa awiting "I Knew You Were Waiting For Me," na unang kinanta nina Aretha Franklin at George Michael.

Bukod kina Jessica at Joshua, pipili ang mga viewer ng susunod na papatalsikin sa natitirang walong kalahok na sina Deandre Brackensick, Elise Testone, Skylar Laine, Colton Dixon, Hollie Cavanagh, at Philip Phillips.

Sa nakaraang elimination round, pinatalsik si Heejun Han.