Saturday, May 19th

Last update09:28:58 AM GMT

Libangan Samut sari Mahal na mahal pa rin kita

Mahal na mahal pa rin kita

  • PDF

(ni:Demetrio-Bong Ragudo Rafanan)

Iniwan kitang natutulog pa
Gisingin ka'y 'di ko na ginawa
Para hindi kita magambala
Sa iyong pamamahinga't paghiga
Hindi mo na rin siguro nadama
nang yakapi't hagkan kita

Hindi pa nakakalayo'y ikaw na'y naalala
Hinayaan na naman kitang nag-iisa
Lalo pa't panaho'y malamig pa
Mahigpit dapat sana'y akap akap ka
Malulungko't mababagot kang talaga
Kaya't humihingi ako ng pang-unawa
 

alt

 

 

 

 

 

 

Aking biyahe'y tuloy tuloy pa
Magagandang tanawi'y aking nakikita
At kapaligirang kaaya-aya't kakaiba
sa aki'y nagbibigay ng tuwa
ngunit alam kong ito'y pansamantala
dahil sa piling mo lang tunay na liligaya

Sa pinangalinga'y umalis na
Marami bagay pinag-usapa't ginawa
Nagkatuwaan at nagkantahan pa
ngunit ako'y nanlolomo talaga
At ika'y hindi ko nakasama
Sana mas lalo pa akong masaya

Mahal ako'y pabalik na
Paglalakbay sana'y 'di maantala
upang sa piling mo'y agad makadating na
labis ko nang pinanabikan aking sinta
Ang mayakap, mahagkan at makita ka
Upang sabihing mahal na mahal pa rin kita,. 
 


Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com
Comments
Add New Search
Write comment
Name:
Email:
 
Website:
Title:
UBBCode:
[b] [i] [u] [url] [quote] [code] [img] 
 
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

Last Updated on Tuesday, 10 January 2012 09:08