TFR o liquidazione, paano kinakalkula? - Ako Ay Filipino

Sagot ng eksperto

Sa pagtatapos ng hiring o rapporto di lavoro - anuman ang dahilan nito - ang trattamento di fine rapporto o tfr na kilala lalong higit bilang liquidazione o separation pay ay dapat na bayaran ng employer sa worker. 

 

 

Sa pagtatapos ng hiring o rapporto di lavoro, ang trattamento di fine rapporto o tfr na kilala lalong higit bilang liquidazione o separation pay ay dapat na bayaran ng employer sa worker anuman ang dahilan nito: maaaring paghinto sa panahon ng pagsubok; pagtatapos ng kontrata; kasunduan ng dalawang partes; pagpapaalis o termination; pagbibitiw o resignation; kamatayan ng worker; kamatayan ng employer.

Karapatan ng lahat ng domestic workers ang matanggap ang tfr batay sa kalkulasyon ng halagang tinanggap bilang sahod sa panahong nagtrabaho, kasama ang anumang board and lodging at anumang uri ng karagdagang kabayaran bukod sa basic pay nito.

Ang halaga ng TFR ay kinakalkula sa pagtatapos ng taon ng serbisyo. Ang halaga ng naipong tfr taun-taon ay napapalitan, batay sa pagbabago ng yearly amount ng tinatawag na accantonamento della nuova quota annuale.

Ang kabuuang halaga ng naipong tfr gayun din ng pinakahuling taon ng serbisyo ay ipinagkakaloob sa pagwawakas ng trabaho kahit na ito ay occasional o limitado sa ilang oras lamang per week.

Ang employer naman ay nararapat na bayaran ang separation pay kahit ang hiring ay nagtapos sa panahon ng prova o pagsubok, sa kundisyong ang trabaho ay tumagal o lumampas ng 15 araw, ang pinakamababang panahong itinakda ng batas upang umabot ang kalkulasyon sa isang buwan.

Kabilang din ang panahon ng leave, sick leave, accident o infortunio, maternity o paternity leave sa kalkulasyon nito.

Upang matukoy ang halaga ng naipong severance pay ay ginagamit ang parehong kalkulasyon na itinalaga para sa mga mangaggawa: taunang sahod, kabilang ang board and lodging kung mayroon man, at idini-divide sa 13.5.

Tulad ng nabanggit, kailangan ring i-aplay ang yearly revaluation ng accantonamento della nuova quota annuale. Ito ay tumataas ng 1,5% kada taon, na hinahati ng proporsyonal kada buwan at ang 75% ng pagtaas ng cost of living na pinatutunayan ng Istat, excluded ang halagang ng huling taon ng serbisyo. 

 

Anticipated separation pay ng mga kasambahay, maaari ba? Paano?