Mga dokumento buhat sa employer na kailangan sa renewal ng permit to stay, anu-ano ito? - Ako Ay Filipino

29
Thu, Jun

Sagot ng eksperto

Ako ay naging employer ng isang Pilipina. Ang aking dating colf ay humihingi ng isang dokumento na magpapatunay ng kanyang pagta-trabaho sa amin upang ma-renew ang kanyang permit to stay. Sa katunayan, ay hindi na sya nagta-trabaho sa aming pamilya at may bagong employer na. Ano ang dapat kong gawin? 

 

 

Mayo 31, 2017-  - Upang ma-renew ang permesso di soggiorno per motivo di lavoro, ay kailangang mapatunayan ng mga dayuhang manggagawa ang pagiging regular sa trabaho sa pamamagitan ng “Denuncia di rapporto di lavoro”, na ipinadala ng employer sa Inps. Ang employer ay may obligasyong magbigay ng kopya ng nabanggit na dokumento sa kanyang worker. 

Kung sa panahon ng renewal ng permit to stay, ang worker ay nagpalit ng employer o trabaho, ay kakailanganin ang denuncia di rapporto di lavoro na ginawa ng bagong employer at hindi ng nakaraang employer. 

Sa kasong ang worker ay wala pang trabaho sa renewal ng permit to stay, upang makapagpatala sa Centro per l’Impiego at upang makapag-aplay ng renewal ng permit to stay ay kailangan hingin sa pinakahuling employer ang sumusunod:

  • kopya ng mga bayad na bollettini hanggang sa huling araw ng ipinag-trabaho ng worker;
  • kopya ng “cessazione del rapporto di lavoro” na ginagawa sa tanggapan ng Inps.

Obligasyon ng dating employer ang magbigay ng kopya ng mga nabanggit na dokumento sa worker. 

Ipinapaalala, gayunpaman, na ang mga dayuhang nagsumite ng renewal ng permit to stay ay maaaring regular na ma-empleyo habang naghihintay na releasing ng permit to stay kung nagtataglay ng tinatawag na ‘cedolino’ na nagpapatunay ng pagsusumite ng kit postale o ng renewal ng dokumento. 

Bukod dito, ipinapa-alala na ang wastong panahon sa pagre-renew ng nasabing dokumento ay 60 araw bago ang expiration nito o 60 araw matapos ang expiration nito.