Saturday, May 18th

Last update09:56:40 AM GMT

Paano mag-aaplay ng NBI CLEARANCE ang mga ofws?




Roma, Hulyo 5, 2012 - Ang mga Filipino sa abroad ay maaaring mag-aplay ng NBI clearance sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas.

Hindi ang embahada o ang konsulado ang nagpo-proseso nito, ngunit sa pamamagitan ng mga nabanggit na tanggapan ay mailalagay ang mga fingerprints ng aplikante sa NBI Fingerprint Card Form.

Ito ay isusumite sa pamamagitan ng isang kamag-anak sa Pilipinas, (na mayroong SPA) sa tanggapan ng NBI sa Office of the Identification and Records Division (IRD), 4th Floor, NBI Clearance Building, UN Ave., Manila.

Ang mga requirements ay ang mag sumusunod:

       1. pasaporte (orihinal at isang kopya)

       2. Isang black and white picture size 2" x 2" na mayroong white background  (kuha tatlong buwan bago ang aplikasyon).

       3. Application fee: €25.00

       4. Pangalan ng kamag-anak na bibigyan ng SPA.

Kung ang NBI clearance ay gagamitin para sa aplikasyon ng citizenship, kasama ang birth certificate, ay kinakailangang authenticated (Red Ribbon) sa Department of Foreign Affairs, at kinakailangang translated at authenticated (validation at legalization) din ng Italian Embassy sa Pilipinas.

 


Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com