Saturday, May 19th

Last update09:28:58 AM GMT

Sagot ng eksperto

Meron bang nakukulong sa PILIPINAS bunga ng hindi pagbabayad ng utang?

  • PDF

Nasa batas ng Pilipinas na walang makukulong sa hindi pagbabayad ng utang ngunit kung ang utang ay gawa ng talbog na tseke o may panloloko, pwedeng ipakulong ang umutang.  

altRome, Mayo 14, 2012 - Nasa Sec. 20, Art. III ng 1987 Constitution that "no person shall be imprisoned for non-payment of debt." Pero kung ang pag-utang ay may kasama o gawa ng pagtalbog ng kanyang tseke para kabayaran sa utang, panloloko upang makautang o pangeestafa, hindi pagbabalik ng pinagbentahan under trust receipt o paggamit ng credit card at pagtatago pagkatapos gamitin ito ay may karampatang parusa na kulong.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Monday, 14 May 2012 10:13

Read more...

Isa akong Pinay at walang trabaho sa kasalukuyan, maaari ba akong mag-aplay para sa maternity allowance?

  • PDF

Nais kong itanong kung may tulong sa maternity ang isang Filipina na hindi nagta trabaho, ngunit regular na naninirahan sa Italya.

altRoma - Mayo 9, 2012 – Bilang tulong sa panahon ng maternity para sa mga hindi nagtatrabahong ina, at walang anumang garansya, ay inilalaan ng mga Munisipyo o Comune ang maternity allowance o assegno di maternità. Maaaring mag-aplay nito sa Munisipyong sumasakop sa tirahan, kung hindi kwalipikado sa maternity benefit o indennità di maternità buhat sa Inps o ang pagtanggap ng sahod habang nasa maternity leave. Kung ang nabanggit na benepisyo ay mas mababa ang halaga kaysa sa halaga ng allowance, ay maaaring mag-aplay para sa mas mababang halaga o assegno in misura ridotta.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Wednesday, 09 May 2012 11:11

Read more...

Remittances ng mga ofws, exempted ba sa Anti-Money Laundering Law?

  • PDF

Rome, Mayo 8, 2012 - Ang pagpapadala ng malaking pera galing sa abroad mula sa sweldo o bonus o ipon papunta sa Pilipinas ay exempted sa Anti-Money Laundering Law.

altIto ay isang krimen kung saan ang pera o money na galing sa krimen o graft and corruption o drugs o anumang gawaing illegal ay pinapadaan sa mga bangko at iba pang financial institution upang ito ay linisin at gamitin sa mga legal na negosyo o pinalalabas na ito ay galing sa isang malinis na negosyo o paraan.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Tuesday, 08 May 2012 16:06

Read more...

Permesso di soggiorno per attesa occupazione, maaari bang i-renew?

  • PDF

Nawala ako ng trabaho at ako ay nabigyan ng permesso di soggiorno per attesa occupazione. Maaari ko ba itong i-renew kung hindi ako makakahanap ng panibagong trabaho bago ang deadline nito?

altRoma, Mayo 7, 2012 - Ang permesso di soggiorno per attesa occupazione o permit to stay para sa nawalan ng trabaho ay hindi maaaring i-renew at sa deadline nito, kung ang imigrante ay hindi makakakuha ng panibagong trabaho at hindi rin mare-renew ang permit to stay para sa subordinate job, ay dapat lisanin ang Italya. Ito ang nilalaman ng kasalukuyang batas at kinumpirma ng ilang beses ng Regional Administrative Court.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Ano ang SSN o Servizio Sanitaria Nazionale?

  • PDF

Ang karapatan sa health assistance ng mga dayuhang regular sa Italya

altRome, May 5, 2012 - Para sa mga dayuhang regular sa bansa, ang pagpapalista sa National Health Service (o Servizio Sanitario Nazionale SSN ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan o health assistance na nasasaad sa patakaran ng bansa, ng may pantay na pagtingin tulad ng sa mga Italyano, bilang isang obligasyon na ipinagkakaloob sa Italya ng tanggapan ng SSN na may pansamantalang bisa.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Last Updated on Friday, 04 May 2012 10:53

Read more...