Ang puto bumbong, bukod sa kilalang pagkaing Pinoy at bahagi din ng Pamaskong tradisyon sa Pilipinas. Ito ay kulay lila/ubi at kakaning gawa sa giniling na malagkit na bigas.
Ang salitang "puto bumbong" ay hango sa mga katagang "puto" (pinausukan na malagkit na bigas) at "bumbong" (silindrong kawayan).
Sa Pilipinas, ang Kapaskuhan ay opisyal na nagsisimula sa unang araw ng Simbang Gabi, Disyembre 16 at dito masasaksihan ang paglaganap ng dalawa sa pinakapopular na pagkaing pamasko, ang bibingka at puto bumbong. Ang mga nagbebenta ng mga kakaning ito ay makikitang nakahilera sa labas ng simbahan at dinudumog ng mga deboto pagkatapos ng misa.


Ingredients:
Roma
