Sunday, May 19th

Last update09:56:40 AM GMT

PININYAHANG MANOK




Mga Sangkap:
 
1 kilo Chicken fillet
1 small can Pineapple Tidbits
1 clove garlic
1 medium onion
salt, pepper and sugar
2 tbsp sugar
1 tbsp. cornstarch
1 slice ng cheddar cheese
 
 
Paraan ng pagluluto:
 
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang laman.
 
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok. Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan
 
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika
 
4. Ilagay ang piniritong manok. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at kaunting tubig. Takpan.
 
5. Ilagay ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo
 
6. Timpalahan ng asin at asukal ayon sa inyong panlasa
 
7. Lagyan ng isang slice na cheddar cheese. 
 
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce 
 
9. Ihain habang mainit
 
 
 
Enjoy!!!
 
 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Chicken Curry Recipe

Ang Chicken Curry Recipe na ito ay isang Filipino version ng Chicken Curry. Ngunit tulad ng anumang recipe ng Chicken Curry, ito ay mayaman sa lasa at aroma na tiyak na maiibigan ng lahat.

Paano nagsimula ang Chicken Curry Recipe? Ito ay maaaring matagpuan maraming taon na ang nakalipas. Ang Pilipinas ay itinuturing bilang “melting pot of Asia”. Iba't ibang lahi ang tumatawag sa Pilipinas bilang kanilang tahanan. Bitbit nila, ng mga taong ito na pawang mga migrante, mangangalakal, at mga colonizers ay nagdala ng kanilang kultura, tradisyon, at pagkain. Ito ang dahilan kung bakit ang mga pampalasa tulad ng curry ay naging bahagi ng  Philippine Cuisine. Mayroong ding ilang mga katibayan ng Indian trade sa mga unang taon ng Pilipinas. Maaring ang mga Indian traders (at pati na rin mga settlers) ay ipinakilala ang lutong ito sa mga Pilipino at tinustusan ng mga pampalasa o spices upang panatilihing ang negosyo ng pangangalakal sa pagitan ng mga bansa.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Sinigang na Bangus with Puso ng Saging

Ang Sinigang na Bangus na may puso ng saging ay mayaman sa fibers, vitamin A, C,  E  at flavonoids.

Ang puso ng saging naman ay pinaniniwalalang nagtatanggal ng menstrual cramps bilang natural remedy practice.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Puchero

1 kilong baka, hiniwa ng tig-2 pulgada pakuwadrado
4 tangkay dahon ng sibuyas, hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
1 tangkay ng celery, hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
2 kutsaritang asin
¼  petsay
2 katamtaman laking patatas, binalatan at hiniwa ng pakuwadrado
¼  beans

2 saging na saba
1 tasang garbanzos
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
½ tasang tomato sauce
2 kutsaritang mantika


Pakuluan ang baka sa isang kaserola na may sapat na dami ng tubig sa loob ng 2 oras o hanggang ito’y lumapot. Hanguin ang karne.

Ipagpatuloy ang pagpakulo ng sabaw ng baka.

Ilagay dito ang patatas.

Pakuluan muli ng 2-3 minuto.

Idagdag ang beans, petsay at saging na saba.

Maghintay ng 5 minuto.

Sa isang maliit na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.

Ihalo ang baka at tomato sauce.

Pakuluan muli ng 5 minuto.

Ibuhos ang sabaw.idagdag ang garbanzos.

Pakuluan ng 5 minuto muli.

Hanguin ang baka at ilagay sa isang malaking mangkok.

Iayos ang gulay sa mangkok.

Ibuhos ang nilutong sabaw.

Ihain habang mainit.

 

 

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Bibingka

Ang bibingka ay isa din sa mga tradisyunal na Pamaskong pagkain na gawa sa galapong, gata, itlog, asukal at baking powder. Maaari itong lagyan ng kesong puti at itlog na maalat habang niluluto. Kinakain ito kasama ang kinudkod na niyog, mantekilya, at asukal; at malimit tuwing almusal o meryenda. Kapag panahon ng Kapaskuhan, karaniwang ibinebenta ito, kasama ng salabat, sa labas ng mga simbahan para sa mga galing ng simbang gabi.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...