Fashion Show, matagumpay na idinaos sa Milan

Milan, Disyembre 5, 2014 – Muling nagpasiklab ang mga Pilipino sa modeling suot ang iba’t ibang wedding gowns, evening gowns, casual wear at sport’s wear sa Milan nitong Nobyembre.
 
Sa isang private fashion show na inorganisa ni Evelyn Amorin, 40 teenagers na kinabibilangan ng mga Filipino, Italian, Fil-Italian at Nigerian ang rumampa. Sa tulong ng event director na si Andrew Ramos at ng Amorin staff ay ginanap ang fashion show matapos ang higit 6 na buwang paghahanda.

 
 
Si Roger Esteron o mas kilala bilang Korn Taylor ang napiling fashion designer ang kinuha ni Amorin para ipamalas ang kanyang naiibang fashion designs sa publiko. Kasama rin ang mga piling hair and makeup artists na sina Princess Miranda, Daniel Cepillo, Nelson Villanueva.
 
“Ilang araw kong pinagpuyatan ang pagde-desenyo ng mga men’s and women’s wear sa pamamagitan ng sketch na ginagawa ng mga fashion designers bago nila ito gawin sa actual na pagtahi” ayon sa fashion designer. Sa katunayan, tatlo hanggang apat na beses nagpalit ng mga designed wears ang 40 models. 
 
Samantala, kapansin-pansin ang hindi nagpatalong pinakabatang teen model na si Fil-Italian Simone Pani na hinangaan sa suot nitong black barong tagalog.
 
Maliban sa mga kababayan natin,  dumalo din ang ilang mga opisyales at mga kaibigang Italyano na madalas ding iniimbitahan sa mga Italian Fashion Shows. Sila ay sina Vicenzo Micucci (Carabinieri Comandante), Avvocato Claudio Ciccio, Andrea Fabri, Claudia Puntillo, Cristian Pazzino, Bali Lawal, maging ang fashion stylist na si Kim Karandang.
 
 
Ayon kay Amorin, sa pagsasagawa ng mga ganitong events (hindi lamang sa larangan ng pagmomodelo) ay natutulungan ang mga kabataan na makamtan ang kanilang ambisyon sa buhay sa tamang pamamaraan. Kung kaya’t may iba pang mga projects ang kanyang pinaghahandaan para sa mga kabataan sa hinaharap sa tulong ng kanyang event director at ng local government ng Milan kasama na rin ang Filipino community sa Milan.   
 
 
ulat ni: Chet de Castro Valencia
Photo Credits: Ruel de Lunas (UPC), Jbautista, Ohmel Suarez