Daniel at Yeng, dinumog sa Roma

Roma, Abril 29, 2014 – Dumadagundong ang Tendastrice sa tiliian ng halos 1,800 katao sa ginawang concert ni Daniel Padilla at Yeng Constantino nitong Abril 13, sa Roma.

Tulad ng inaasahan, higit sa kalahati ng crowd ay pawang mga kabataan na hindi pinalampas ang pagkakataong mapanood, malapitan at kung may pagkakataon ang makapag-selfie din sa kanilang mga iniidolo. Sa katunayan, national anthem pa lamang ng 2 bansa ay tila makabasag eardrum na ang tiliian na lalo pang tumindi sa paglabas ng special guest na si Karla Estrada, ang ina ni Daniel Padilla.

Walang humpay ang crowd hanggang sa paglabas ni Yeng Constantino. Kung gaano kalakas ang mga hiyawan ay ibinalik ito ni Yeng sa mga fans sa husay ng kanyang performance hanggang sa hindi na nito kinaya at hinubad na ang kanyang high heels shoes. Todo bigay ang kanta at ang sayaw ng mang-aawit. Patok pati ang mga kinanta ni Yeng; mula Beatles at Air supply hanggang sa mga kilalang opms ng mga tanyag na banda. At siyempre pa ang nag-top na Tsinito at ang Hawak Kamay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Samantala, ay lalong tumaas ang energy ng crowd sa paglabas ng pinakahihintay na heartthrob na si Daniel Padilla (Daniel John Ford Padilla). Hindi napigilan ang pagbulusok ng crowd malapit sa stage upang matunghayan sa malapitan si Daniel.

Matagal na ring hindi narinig ang ganitong ingay ng crowd sa Roma kaya lubos naman ang pasasalamat ng organizers ng concert, ang Khriencel Faszion – ng mag-asawang Jen at Charlie Senicolas, gayun din ang batikang direktor sa Roma, si Armand Noma at ang kanyang buong staff, sa mga nag-front act na hindi naman nahuli kung husay din lang ang pag-uusapan. Sa katunayan, tila batikang mang-aawit rin ang local artist na sina Malouh Perez at Justin Almoit. Mahusay na rapper din si Mighty Mike. Thumbs up, pati rin naman sa mga back-up dancers!

Sa panayam ng Ako ay Pilipino ay lubos ang pasasalamat ni Daniel Padilla sa mga kabataan sa Roma dahil sa kabila ng dito na sa Italya ipinanganak ang mga ito ay patuloy pa rin ang suporta at pag-appreciate nila sa mga ipinapakita sa telebisyon ng aktor.

Dahil sa aking mga supporters, sa pagnanais nila na ang aking ipagpatuloy ang pag-kanta kahit pa wala naman talagang magandang boses, ang nagtulak sa aking upang maging isang rocker”, sagot ni Daniel sa Ako Ay Pilipino.

Samantala, bilang isang Padilla ay tinataglay din niya ang mga katangian ng mga naunang Padilla sa takilya at para sa kanya ay hindi na uso umano ang bad boy so “good boy but nagiging bad boy talaga pag pinagti-tripan”, patawang babala ni Daniel.

Ayon pa aktor, sa kanyang pakiramdam ay magtatagal pa ang kanilang tambalan ni Kathryn Bernardo at inaanyayahan ang kanyang mga fans na patuloy silang subaybayan at abangan ang paglabas ng kanilang pelikula ang “She’s Dating the Gangster”.

Sobrang grateful ako sa pag-iidolo sa akin ng mga kabataan sa Italya”, masayang bungad naman ni Pinoy Dream Academy grand winner, Yeng Constantino. “Nakakataba po talaga ng puso at nagsisilbing fuel ito para sa akin para sumulat at kumanta”.

Gayunpaman, sa kabila ng preparasyon sa nalalapit na kasal ng singer ay inamin sa Ako ay Pilipino ng singer na hands on sya sa preparations at hindi nahihirapan dahil sila ay nagtutulungan. “Passion ko talaga ang pagkanta at very grateful ako dahil very supportive ang fiancée ko at gusto nya na ipagpatuloy ang bagay na nakakapgpasaya sa akin”.

Samantala, excited naman si Yeng sa paglabas ng kanyang first indie film at inaasahan ang suporta ng kanyang mga fans. Ang SHIFT ay ipinalabas sa isang film festival sa London kung saan nanalo ng Best Picture at mapapanood rin sa Italy. “It’s really a fun movie”, pagmamalaki ni Yeng. “She’s a song writer, she paints and liberated but parang namumuhay sa isang mundong hindi nya gusto hanggang sa na-in love sya sa kanyang office mate but sya ay isang gay”, pagtatapos pa ni Yeng.

(ulat ni: PG – larawan ni Stefano Romano)