Opinyon
Iba't-ibang opinyon ng mga Pinoy ukol kay Cardinal Tagle
Si Cardinal Chito Tagle sa aking paningin

Kilala ang Cardinal sa kanyang pagiging malapit sa mga mahihirap at nangangailangan. May taglay siyang karisma at galing sa pananalita. Isa siya sa mga tumutuligsa laban sa aborsyon at kontrasepsyon.
Una kong narinig ang kanyang homiliya noong ipagdiwang ng mga Pilipino dito sa Roma ang Family Day sa Our Lady of Fatima, Oct0ber 14, 2012. Napangiti ako sa kanyang mga biro, napatawa sa kanyang mga kwento, napahanga sa angking galing sa pananalita at napaluha sa kanyang emosyonadong pag-alala tungkol sa awiting “Papuri sa Diyos” na isinulat ni P. Eduardo Hontiveros, SJ at ibinigay sa kanya upang ituro sa isang Koro ilang taon na ang nakalilipas at hanggang sa ngayon ay patuloy paring inaawit sa mga Misang Pilipino ng Simbahang Katoliko saan mang sulok ng mundo.
Mga panloloko ukol sa regularization, online na rin
"Katibayan ng pananatili sa bansa at isang employer? Ibibigay namin sa inyo, kapalit ng isang halaga. Patuloy na duma dami maging online ang mga huwad at imposibleng pangako, tulad ng sanatoria2012.com. Huwag paniwalaan ang mga ito.
Roma - Setyembre 10, 2012 - Para sa mga manloloko na simula na ring kumilos para sa regularization, ang web ay isang matabang lupa upang pagkakakitaan: maraming mga potensyal na customer ang maaabot nang walang hirap at nagbibigay ng mahigpit na privacy. Sa mga home page ng mga anunsyo, forum at mga social networks ay naglipana ang iba’t ibang uri ng paglulunsad ng maraming uri ng patibong mula sa klasikong pamamaraan: Kailangan mo ng tulong para sa sanatoria? Tawagan lamang kami”.
SANATORIA 2002, isang paglingon
Taong 2001, isang napakalaking hamon para sa akin ang pagpunta dito sa bansang Italya. Isang matatag na trabaho ang aking tatalikuran bukod pa sa pamilyang noon ko lang mararanasan ang mapalayo.
Sa totoo lang hindi naman ako magsisimulang mag-isa. May mga kamag-anak akong pinuntahan sa bandang timog ng Italya. Ngunit sa kabila nito, alam ko na kailangan kong humugot ng katatagan mula sa aking sarili, matutong tumayo sa sariling paa sa pagharap sa panibagong yugto ng aking buhay. Buhay na hindi nakasanayan at salitang di ko alam kung aking matutuhan.
Ang unang taon ay lumipas na para lamang isang pahina ng aklat. Bawat hamon ay hinarap huwag lamang makaramdam ng kalungkutan.
Women, you are truly commended for your unending service!
The promising role of women starts within the family as mother. How she is molding the children. For education starts in the home. A promising mother whose only aim in life is to help her children even without even asked, who understands without expecting in return. And above all, a mother who loves without end. The development of the child’s personality lies on the training and example she had shown to them.
Roma
