Friday, Aug 29th

Last update09:06:51 AM GMT

Barack Obama’s victory speech




Thank you. Thank you. Thank you so much. (Sustained cheers, applause.)

Tonight, more than 200 years after a former colony won the right to determine its own destiny, the task of perfecting our union moves forward. (Cheers, applause.)

It moves forward because of you. It moves forward because you reaffirmed the spirit that has triumphed over war and depression, the spirit that has lifted this country from the depths of despair to the great heights of hope, the belief that while each of us will pursue our own individual dreams, we are an American family, and we rise or fall together as one nation and as one people. (Cheers, applause.)

Tonight, in this election, you, the American people, reminded us that while our road has been hard, while our journey has been long, we have picked ourselves up, we have fought our way back, and we know in our hearts that for the United States of America, the best is yet to come.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Obama, panalo sa pangalawang termino

Rome, Nob 7, 2012 - Nanalo para sa ikalawang termino sa White House si President Barack Obama sa kanyang re-election bid.

Tila hindi naman naging madali para kay former governor Mitt Romney ang tanggapin ang pagkatalo dahil sa kinuwestyon pa nito ang pagkapanalo ni Obama sa Ohio.

Gayunpaman,  ayon sa unofficial tally ng mga news agency, nagtagumpay si Obama dahil umabot sa 285 electoral votes at lagpas sa 270 na kinakailangan para manalo laban sa 203 ng katunggali.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Obama, panalo sa survey sa buong mundo

Isang survey ang ginawa ng Msn sa buong mundo ukol sa magaganap na eleksyon sa USA sa pamamagitan ng mga readers nito. “Sino ang nais ninyong iboto sa presidential election sa Usa?

Sa halos 36 na bansa ay nalikom ang 570,000 ‘votes’. Ang resulta, 81% para kay Obama at 19% para kay Romney. Ang China lamang ang bumoto sa republican, sa kabila ng ipinahayag ni Romney kung mananalo man ito. Tila di maintindihan kung anong balita ang nakarating sa China.  

Samantala, ang democrat na si Obama ay panalong-panalo kung totoong mga boto ang pag-uusapan at hindi survey lamang. Sa Portugal ay 94%, sa Germany naman ay 92%, sa Brazil ay 90%, sa France naman ay 88%. Maging ang boto sa Italya ay umabot sa 87%.  Sa England ay 85%, South America naman ay 79% at sa Russia ay 73% na boto para kay Obama.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Miss Intenational Queen 2012, isang Pinoy

Rome, Nob. 6, 2012 - Isang Pinoy ang nanalo sa ginanap na International Transsexual Beauty Pageant sa Thailand kamakailan.

Sa dalawampung contestants buhat sa 15 bansa, kung saan 4 ay pawang mga Pinoy, ang 21 yr old na si Kevin Balot ang tinanghal na Miss International Queen 2012.

Bukod sa korona ay nag-uwi rin si Kevin ng $13,000 US dollars, trophy at mga regalo.

Bilang Miss Internationa Queen 2012, ay mayroon din role si Kevin bilang goodwill ambassador para sa kalayaan at pantay na pagtingin sa mga transgender.

Sa isang panayam, sinabi ni Balot na kanyang hinangad ang korona dahil ito marahil ang magiging daan upang matanggap ng ama ang kanyang tunay na pagkatao.

Ayon sa regulasyon ng taunang pageant, kailangang magpakita ng katibayan ukol sa biological sex ng contestant sa pamamagitan ng birth certificate o ng medical certificate.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

30 Fil-Ams, kandidato sa US Election

Ambasador nanawagang bumoto sa komunidad na mayroong 30 kandidato sa US election.  

Rome, Nob 6, 2012 - Nanawagan si Ambassador Jose Cuisia sa komunidad na lumabas ng kanilang tahanan at bumoto. “Ang mga Pilipino ang ikalawa sa pinakamalaking komunidad sa Amerika, dapat natin itong pahalagahan upang maging bahagi sa sosyal, politikal at ekonomiya ng bansang ito”, ayon pa sa Ambassador.

Batay sa U.S. Census noong 2010, tinatayang mayroong 3.5 million Pinoys sa Amerika at karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa West Coast, sa California.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...