Mga estudyante, puspusang paghahanda sa maturità!

altRome – Habang ang karamihan sa mga mag-aaral ay naghahanda para sa summer vacation, limang daang libong mag-aaral naman ang naghahanda para sa finals exam o maturità sa Senior High school o Liceo. Ang kinatatakutang final exams ay uumpisahan sa June 22 sa written exam sa Italian subject.

Gaya ng lagi, marami ang humuhula sa posibleng topic ng written exam. Marami ang pumupusta na hindi maaaring mawala ang ukol sa ika-150 anibersaryo ng Italian Unification na ipinagdiriwang sa taong ito. Ang ikalawang written exam ay nag-iiba ayon uri kursong pinili sa High school. Sa Senior High school Arts and Letters o Liceo  Classico ay magkakaroon ng mga translation sa Latin. Sa Senior High schoo Sciences naman ay mga problem solving habang sa Accounting naman ay mga temang ukol sa business economins. Ang huling written exam ay tinatawag na ‘brain test’ o isang serye ng mga katanungan sa iba’t iabng paksa ng nagdaang school year.

Ang higit na kinatatakutan, marahil, ay ang oral exam. Magsisimula sa pagtalakay ng mga paksang pinili ng mga mag-aaral, pagkatapos ay ang mga katanungan sa iba’t ibang paksa.

Ito ang huling hakbang upang makakuha ng diploma at sa wakas ay makapag bakasyon ng tuluyan.