Sam Milby sa YOG 2010

Hinahangaan si Sam Milby na nakasama sa torchbearers 2010 sa Youth Olympic Games (YOG) Torch Relay na isinagawa noong Aug. 7 hanggang 13 sa Singapore.

“It was a very big honor. To be part of that experience is something that I’ll definitely never forget,” ang banggit ni Sam sa “TV Patrol” noong Aug. 17.

May 3,000 kabataang athletes mula pa sa buong mundo ang sumali sa YOG. 9-man Philippine team ang kasama dito.

Kasama rin si Efren Peñaflorida ang 2009 CNN Hero of the Year na hinangaan ni Milby.

Napag-alamang inumpisahan sa Greece noong nakaraang July 2009 ang torch relay at ito’y nagawa na sa limang kontinente bago pa dumating sa Singapore.