Margarito handang talunin si Pacman

Malamang na talunin umano ni Antonio Margarito si Manny Pacquiao sa darating na laban ng dalawa sa Cowboy’s Stadium, Texas.

 

Ayon kay Robert Garcia, gagarantiyahan niya ng sabayang laban si Pacman matapos sibakin ni Margarito si Sugar Shane Mosley noong Enero 24, 2009.  

 

“I have been studying Manny Pacquiao’s fights. I’ve been studying him everyday so I honestly, honestly see us having a big chance of pulling it out,” wika ni Garcia nang nakapanayam ng Examiner.com, – Pilipino Star Ngayon

 

Hindi na bago kay Gar­cia ang humawak sa isang boksingero sa ma­laking laban dahil siya ang trainer ng ibang bigating boxers kasama si Filipino ‘Flush’ Nonito Donaire Jr. at Brian Viloria.

 

Pinunto niya ang bentahe ni Margarito sa tangkad at laki ng pangangatawan na siya nilang gagamitin upang matalo si Pacquiao.

 

“Margarito has the strength, the power. He’s hungry to be the best and prove everybody wrong. He will get hit but he will just keep coming and coming and Pacquiao will get tired of just having Margarito on him,” paliwanag pa nito.

 

Siguradong magbabantay na namang muli ang mga Pinoy sa buong mundo masaksihan lamang ang laban nina Margarito at Pacquiao.