Libangan - Ako Ay Filipino

24
Mon, Apr

Walang dudang ang mga Pilipino ay ganap na masipag at mapagkakatiwalaan saan mang panig ng mundo magpunta. Ngunit pagdating sa paghawak ng perang pinaghirapan, lalo na ang mga ofws, ay mayroong mga maling diskarte na dapat itama. Kabayan, tabi-tabi po.....

Isang Filipino-American producer, nanalo ng Academy Award for Best Live Action Short film.

LOS ANGELES – Nagtala ngayong taon ng malaking pangalan sa movie history ang Pinoy film producers matapos na mabigyan ng parangal sa 83rd Oscar Awards sa Hollywood.
Si Stephanie Walmsley, isang Filipino-American ang nakakuha ng Academy Award for Best Live Action Short Film.

Si Walmsley ang producer ng 18-minute short film na may pamagat na “God of Love,” kung saan ang New York filmmaker na si Luke Matheny naman ang nag-direct.

Ang New York-based Filipina na si Stephanie Walmsley ay tubong Cebu, subalit lumaki ito sa Metro Manila kasama ang kaniyang ina. Nagsimula bilang host ng noontime show na “Eat Bulaga.” Pagkatapos ng kaniyang graduation sa Brent International School, ipinagpatuloy nito ang kaniyang pag-aaral sa American Academy of Dramatic Arts sa New York.
Naging bahagi siya na mga pelikula “Impunity” at “Take Me Home: The John Denver Story.” Ipinagmalaki rin ni Stephanie na kasama siya sa crew ng pelikulang “In My Life” nina Vilma Santos at John Lloyd Cruz nang gawin ang pelikula sa New York.

Maliban kay Walmsy, nagwagi rin ang mga Fil-Ams niyang co-producer na  sina Stephen Dypiangco at Gigi Dement.

Bukod sa araw ng Pasko, ang araw ng Bagong aTaon ay itinuturing na isa sa pinakatanyag na pista opisyal sa Pilipinas.

Ang pagdating ng bagong taon ay taunang sinasalubong sa Pilipinas. Ang pananaw sa isang panibagong simula at sariwang umpisa ng isa pang taon. Kahit na ang karamihan sa bansa ay mga mahihirap, ang mga Pinoy ay ipinagdiriwang pa rin ang bagong taon sa kahit sa isang simpleng paraan. Bukod sa araw ng Pasko, ang Araw ng bagong taon ay itinuturing na isa sa pinaka tanyag na pista opisyal sa Pilipinas.

Ang mga paputok at lusis ay sinisindihan lamang bago sumapit ang hatinggabi bilang tatak ng pagsalubong sa bagong kalendaryo ng taon. Ang mga Pilipino ay naniniwala na ang ingay ay nagtataboy ng masamang espiritu. Ang mga bata na takot sa pagpapaputok ay gumagamit ng kahit na anong kasangkapan  upang gumawa ng ingay; mula torotot, o palangganang metal ay kanilang ginagamit upang lumikha ng mas maraming ingay. Ang mga Pinoy ay naniniwala na mas mabuti kung mas malakas ang ingay.

Ang mga bata ay pinapayuhan na tumalon ng sampung beses sa pagsapit ng hatinggabi upang maging mas mataas ang mga ito. Ang pinaka popular na pananamit para sa bata at matanda ay ang ‘polka dots’. Ang hugis bilog ay nagsasaad ng pera, at pinaniniwalaan na ang pagsuot ng  polka dots sa pagdating ng Bagong Taon ay magdadala ng pera sa tagapagsuot.

Hindi mawawala sa hapag ang labindalawang klase ng bilog na prutas, tanda diumano ito ng isang masaganang taong papasok. Pati paglalagay ng coins sa bulsa sa pagsapit ng hatinggabi ay isang tradisyong naglalarawan ng isang taong puno ang mga bulsa.

Ang bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan ayon sa kaugalian ay nakilala bilang ang fireworks capital ng Pilipinas. Ito ay matatagpuan 25 milya sa north ng Metro Manila at may daan-daang mga tindahan ng paputok na nag kalat sa buong bayan, ang mga mahilig sa paputok ay magsasawa sa pagpili mulasa pinaka maliit hanggang sa pinka malaki.

 

Ang mga tagagawa ay mayroon g magarbong paglikha ng mga pangalan ng paputok tulad ng bawang (Filipino para sa bawang) dahil sa bilugan ang hugis ng mgaito; super lolo o lolo - dahil sa pinakamalaki  at pinaka malakas ang putok nito. Ang crying cow, sindihan ito at tulad ng pangalan, maririnig ang tila iyak ng isang baka na hugis trumpeta. At ang bestsellers sa lahat-ng-panahon ay ang whistle bomb na bubulus ang isang mahaba at mataas na tono sa harap ng isang malakas na putok.

Ang MTV Cribs ay isang TV show sa Amerika na nagpapakita ng mga tahanan ng mga sikat na celebrity tulad nina Mariah Carey, Robbie Williams, Shaquille O’Neal, Hulk Hogan at Alanis Morissette.

Ang crew ng MTV Cribs ay nagtungo noong nakaraang February 2010 sa bahay ni Representative Manny Pacquiao sa Los Angeles, California at lumipas din ang isang taon bago nila ipinakita sa TV ang mansion ng Filipino boxing champion.

Si Manny ang kauna-unahang Filipino na na-feature ang bahay sa MTV Cribs. Si Manny mismo ang naging tour guide ng MTV Cribs crew at pabirong nagsabi sa televiewers na “This is our house so you know we have to put our pictures.”

Sina Ai Ai delas Alas, Dolphy at Eugene Domingo ang mga top winners sa gabi ng parangal ng 36th Metro Manila Film Festival MMFF na ginanap sa Meralco Theater noong Linggo.

Si Ai Ai ang nanalo bilang best actress award para sa Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To. Ito ay isa sa kanyang pangarap, na magkaroon ng best actress trophy mula sa MMFF.
Maliban sa best actress trophy niya, humakot ng karangalan ang nasabing pelikula.
Ang Ang Tanging Ina Mo ang nanalo sa best picture category at nagbigay ng best director award kay Wenn Deramas. Nakuha rin ng Ang Tanging Ina Mo ang Best Story at Best Screenplay (Mel del Rosario), Most Gender Sensitive Award at Best Musical Score para kay Jessie Lasaten. Best child performer si Xyriel Manabat para pa rin sa Ang Tanging Ina Mo.

Ayon kay Ai Ai, habang nagaganap ang gabi ng parangal ay sobrang ang nerbyos na nararamdaman at nanatili sya sa backstage at ilang beses na nagbalak na umuwi.
Nadagdagan at lalong humaba kahapon ang pila ng manonood sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng Ang Tanging Ina Mo dahil sa mga parangal na hinakot nito.

Nasa ibang bansa si Eugene Domingo kaya hindi nito personal na natanggap ang kanyang best supporting actress trophy.

Doble naman ang tagumpay ni Mang Dolphy sa awards night ng 36th MMFF dahil siya ang nanalo ng best actor (Father Jejemon) at best supporting actor (Rosario) trophies.
Hindi dumalo sa gabi ng parangal ang Comedy King kaya si Albert Martinez ang tumanggap ng kanyang best supporting actor award. Ang pamangkin ni Mang Dolphy at ang Father Jejemon director na si Frank Gray, Jr. ang umakyat sa stage at tumanggap sa best actor trophy ng Comedy King.

Disappointed naman ang mga supporter ni Albert Martinez dahil hindi ito nominado sa best director category.

Dismayado rin ang mga tagahanga ni Jennylyn Mercado dahil hindi siya nominated sa best actress category.

Si Albert ang direktor ng Rosario at si Jennylyn ang lead star. Second best picture, Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, best cinematography, best editing, best production design at best float ang mga parangal na tinanggap ng Rosario.

Third best picture ang RPG Metanoia na nag-uwi rin ng best sound at best theme song. Si Rico Gutierrez ang nagwagi ng best visual effects para sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote. Napanalunan din ng pelikula nina Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto ang best make-up.

Hindi kasali ang pangalan ni Bong sa top three best actor nominees pero siya ang nanalo ng special award na Male Face of the Night. Female Face of the Night winner si Sam Pinto, ang leading lady ni Bong sa Si Agimat si Enteng Kabisote.

Mali ang impression ng ibang tao na hindi nominated ang mga artista at direktor na kanilang sinusuportahan. Malinaw ang binasa ng mga award presenter, ang top three nominees lang ang kanilang babasahin pero nagkamali pa rin ang nagsulat sa spiel na binasa ni Congresswoman Monique Lagdameo ng Makati City.

Ang kongresista ang kasama nina Sam Pinto at Jake Cuenca sa announcement ng best supporting actor winner.

Dalawang beses na sinabi ni Lagdameo na sina Alwyn Uytingco, Roy Alvarez, Sid Lucero at Dolphy ang top three nominees sa best suppor¬ting actor category. Hindi napansin ng scriptwriter na apat at hindi tatlong pangalan ang kanyang isinulat sa spiel card.

More Articles...

Page 1 of 5