Monday, May 20th

Last update10:32:29 AM GMT

MTB HAGIBIS 2013 1-Day Short Track Race, kumarera sa Roma




Rome, Abril 30, 2013 - Hindi pa man ganap na natatapos ang winter season, pinangunahan ng AS FIL-ROMA at ng HAGIBIS Bikers,ang isang cycling race na ginanap noong March 10, 2013 sa Pista Ciclabile Magliana na pinamagatang MTB HAGIBIS 2013 Short Track Race. Itinanghal na kampeon si John Mar Cabreros, pumangalawa si Jojo Mecha at pangatlo si Roden Casio.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

LOVE AT FIRST STRIKE

Ang bowling lanes sa Via Regina Mrgherita ang saksi sa pagmamahalan nila Bong at Cherry.  Parehong champion sa galing ang mag asawa sa paghagis ng bolang marmol. Sa lahat ng nakakikilala sa dalawa ay pabirong love at first strike ang tawag sa kanila. May dalawang taon na ang nagdaan.

KKKRRRASSS!! Maingay ang pagbagsak ng mga duckpins sa bawat strike na tira ni Cherry, 38 walong gulang, sampung taon nang babysitter sa Roma at dalaga pa. Presidente ng Pinoy Bowlers of Rome at malimit ay nag-oorganize ng palaro para may kasiyahan ang mga Pinoy kapag walang pasok. Higit na kapansin-pansin ang kagandahan ni Cherry kapag may hawak na bola at umaasinta sa pagbitaw nito. Ang mahinhing pagkilos, pagyuko at pagbitaw ng bola ay isang sayaw na nagpapatingkad sa taglay na alindog ng dalaga. Sa tuwing pagtira ng dalaga ay halos hindi humihinga si Bong habang pinanonood ang halos ay puro strike na paglalaro ng magandang kababayan.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

PININYAHANG MANOK

Mga Sangkap:
 
1 kilo Chicken fillet
1 small can Pineapple Tidbits
1 clove garlic
1 medium onion
salt, pepper and sugar
2 tbsp sugar
1 tbsp. cornstarch
1 slice ng cheddar cheese
 
 
Paraan ng pagluluto:
 
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at syrup ng pineapple tidbits. Itabi ang laman.
 
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-printo ng kaunti ang mga piraso ng manok. Hayaang pumula ng kaunti. Ilagay sa isang lalagyan
 
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika
 
4. Ilagay ang piniritong manok. Ilagay ang pinagbabadan ng manok at kaunting tubig. Takpan.
 
5. Ilagay ang pineapple tidbits. Hayaang kumulo
 
6. Timpalahan ng asin at asukal ayon sa inyong panlasa
 
7. Lagyan ng isang slice na cheddar cheese. 
 
8. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce 
 
9. Ihain habang mainit
 
 
 
Enjoy!!!
 
 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Nagsusuot ka ba ng fake?

DO YOU WEAR FAKE? THE THINGS YOU BUY REFLECTS WHAT YOU THINK OF YOURSELF.

Karaniwan sa atin ay galing sa simpleng pamilya kung saan hindi natin alam ang mga sikat na brands na Lacoste, Louis Vuitton, Rolex, etc. Nasanay tayo noon na bumili ng mga tinda sa palengke galing Baclaran o Divisoria na damit at gamit na mga walang tatak. Saka lamang natin nalalaman ang mga sikat na brands na ito nang tayo ay magkatrabaho at kumita ng pera.

Bumibili ka ba ng fake na Louis Vuitton o Rolex para lamang masabi ng tao na successful ka?

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Hindi Ako Mahina, Hindi Ako Mangmang (Ako'y Pilipino! May Dangal, May Paninindigan)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ni: Demetrio “Bong” Ragudo Rafanan

Ayon siya, mayroong napakaraming lupa't mansiyon
matapang, umaabuso dahil maraming salapi't goons
pag-aari niya malalaking negosyo kahit sa ibang nasyon
private army ,makabago, kasama sa kanyang organisasyon
opisyales ng AFP at PNP, kasama sa pay roll n’ya ngayon
huwag mong haharanga't lalo lamang tataas ang hypertension

May asawang politiko rin si matapang at nang-aabuso
biyanan, pamangkin,mga anak at mga tiyo’y nasa gobyerno
angkang bumobuo ng kanilang malakas na dinastiya politiko
bayan at mahihirap, sa kamay nila nakasalalay ang destino
mga batas, kapamilya ang may hawak sa kongreso't senado
kaban ng bayan, may maasahan ba ang karaniwang Pilipino?

Maimpluwensya itong tradisyonal na politiko
malakas,matinik at mahigpit ang kapit sa gobyerno
gusto'y kontrol ang lahat ng bagay, talagang tuso
suhol, pinakamatibay at pinakamabisang instrumento
kayamanan ng bayan, PORK BARREL kanyang pang inganyo
busog,kaya naman si kongresman at senador ay 'di na kikibo

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...