MILAN,.MAY BAGONG CONSUL GENERAL,.. UGNAYANG KONSULADO AT OFWs,.. PATITIBAYIN!

Pormal nang ipinakilala sa Filipino Community leaders ang bagong Consul General ng Milan sa isinagawang FilCom leaders meeting noong nakaraang Huwebes, Pebrero 10, 2011.
Mas matibay at mas matatag na samahan sa pagitan ng Konsulado at Filipino communities ang isusulong ngayon ng Konsulado ng Milan sa pag-upo ni Lourdes Tabamo. Itutuloy din daw nito ang mga proyektong nasimulan na ng mga dating namuno sa konsulado.

Ayon pa kay Tabamo, lalahok ang konsulado sa iba’t ibang events ng Filipino communities para lalong mapatatag ang samahan sa pagitan ng konsulado at mga  kababayang Pinoy.
Hinahangaan din ni Tabamo ang pagiging relihiyoso ng mga Pinoy dito sa Milan. Sa unang pagkakataon daw na dumalo sya sa banal na misa sa San Tommasso church, na impressed sya sa mga Pinoy dahil sa sigla ng komunidad. Hinangaan niya ang maayos na daloy ng offertory at komunyon, gayundin ang mahusay na choir ng simbahan.

Sinabi ni Tabamo na tumanggi siya’ng maipakilala na sa mga Pinoy sa unang misa na kanyang dinaluhan.  Nais daw nya munang mag obserba sa mga kababayang taga Milano. 
Kaugnay naman sa mga problemang posibleng kaharapin ni Tabamo, partikular ang mga reklamo sa mga bayarin, sinabi nito na nakahanda ang tanggapan na ipaliwanag nang maayos ang pagtatakda ng presyo.  “ Hindi naman yun, naisipan lang bigla, there are procedures that are taken into considerations to set the fees so ipapaliwanag naming sa kanila yun of course kung kinakailangan na ipapaabot namin sa Pilipinas and ask Manila if we can reduce it, why not? We will do that, we will refer their complaints to Manila”.

Si Tabamo ay ang ika-anim na consul general na namuno ng Philippine Consulate General sa Milan.  Pumasok sya sa Department of Foreign Affairs (DFA)  noong 1971 at unang naitalaga sa Office of Personnel and Administrative Affairs.  Ang kauna-unahang lugar kung saan sya nagsilbi ay sa  Philippine Consulate General sa Hong Kong.

Naitalaga rin sya sa iba’t ibang tanggapan sa DFA  kabilang ang Office of European Affairs, Office of Consular Affairs, Office of Protocol and State Visits, Malacanang Protocol Office, Office of the Undersecretary for Administration, at Office of United Nations and other International Organizations.

Noong 1997, itinalaga sya bilang Third Secretary at Vice-Consul sa Philippine Embassy sa Tokyo, Japan at na promote bilang Second Secretary at Consul hanggang 2003.

Naging Director of the Office of ASEAN Affairs din si Tabamo at Acting Executive Director of the Office of Consular Affairs.  Itinalaga rin sya bilang Consul sa Philippine Consulate General sa Honolulu, USA noong 2010. At bago napunta dito sa Milan, si Tabamo ay First Secretary at Consul General  sa Philippine Embassy sa Vatican City.

Nagtapos sya ng  Bachelor’s degree sa foreign service mula sa College of Holy Spirit at  master’s degree  ng International Relations mula sa Tuffs University- Fletcher School of Law and Diplomacy sa Boston.  Nagtapos din sya ng human management  training course sa Australian National University.

Si Tabamo  ay nagmula sa probinsya ng Tarlac at may dalawang anak na lalaki. (Zita Baron)