Filcom Genova, nagdiwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas - Ako Ay Filipino

23
Sun, Jul

Pagdiriwang

Sama-Samang Pagsulong Para Sa Patuloy na Pambansang Pag-unlad

 

 

Genova - Ang Filcom-Genova sa pakikipagtulungan sa ibat-ibang organisasyong Pilipino sa Genova ay ipinagdiwang ang ika-119 na Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 2, 2017 na may temang: “Sama-Samang Pagsulong Para Sa Patuloy na Pambansang Pag-unlad.” 

Ang pagdiriwang ay sinimulan ng isang  parada bandang 11am na nagmula sa Piazza de Ferrari  hanggang makarating sa venue sa Via Imperiale sa likod ng Galata Museo del Mare. 

Dumalo bilang mga panauhing  pandangal sina  Flaureen Dacanay, Vice Consul PCG – Milan; Dott. Alberto Pandolfo, Consigliere Metropolitana-Genova; Dott. Simone Leoncini, Presidente  Municipio II-Centro Est; Dott. Alessandro Morgante, Presidente Municipio VIII- Medio Levante; Sig. Davide Verri, Funzionario Amministrativo Ufficio Stranieri Questura di Genova; Prof.ssa Anna Maria Galli, Docente Universitario; Sig.ra Anna Li Vigni, giornalista.

Naging matagumpay ang mga food booth na naglalaman ng mga lutong Pinoy. Naging matagumpay din ang mga palarong Pinoy at higit sa lahat ang kanya-kanyang pakitang gilas ng bawat grupo na nagdala ng saya, simpatiya at optimismo. 

Ang kalinangan at kaalaman ng kultura at tradisyon ay isang daan ng pagkakaisa. Isulong  ang pagkakaroon ng diyalogo  sa pagitan ng Italya at ng mga migranti na may ibat-ibang kultura, wika at tradisyon para sa isang  pangkalahatang pagsulong at pagunlad,” ayon kay Nonieta Adena, Presidente ng Filcom-Genova sa kanyang pambungad na pananalita.

Ang mga panauhing pandangal ay naging isa sa paglalahad ng kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan sa Komunidad at mamamayang Pilipino na nagtratrabaho ng marangal, nagbabayad ng buwis at gumagalang sa mga regulasyon at batas upang  magkaroon ng tunay na integrasyon  sa bansang Italya higit sa lahat sa siyudad ng Genova. 

Ang isang pagdiriwang katulad ng paggunita ng Kalayaan ng isang bansa ay mahalagang daan ng pakikipagtalakayan at komunikasyon dagdag  pa nila. 

 

Nonieta Adena

President - Filcom Genova