Pinay, nasawi sa isang car accident - Ako Ay Filipino

Komunidad

Isang Pilipina ang nasawi sa isang car accident sa Pietrasanta. 

 

Pietrasanta, Pebrero 28, 2017 - Isang Pilipina ang nasawi sa car accident na naganap ngayong umaga sa Via Tonfano, sa Marina di Pietrasanta. 

Partikular, ayon sa mga unang report,  sumama umano ang pakiramdam ng babaeng driver ng Mini. Nawalan umano ito ng kontrol sa minamanehong sasakyan, na naging sanhi ng pagbangga nito sa isa pang sasakyan, Fiat Doblò na tumatakbo sa kabilang direksyon kung saan sakay ang biktima at tatlong miyembro ng pamilya nito kasama ang menor de edad na anak. Ang Mini ay bumaligtad matapos mabangga.   

Mabilis na rumisponde ang municipal police. Dumating din ang elisoccorso o air medical services upang saklolohan ang mga sugatan ngunit wala ng nagawa at huli na ang lahat para sa Pilipinang si Eden Garcia Domenici, 56 anyos. Samantala, isinugod sa ER sa ospital sa Versilia ang 3 pang kasama nito na inaasahang nasa mabuti ng kalagayan. 

Ang biktima ay nakaupo sa backseat ng Fiat minivan at pinaghihinalaang ang riserbang gulong ng sasakyan ang tumama sa biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito.