Pera at alahas, kapalit umano ng winning ticket, isang Pinay naloko! - Ako Ay Filipino

30
Sun, Apr

Komunidad

Pera at alahas kapalit ng diumano’y winning ticket ng SuperEnalotto.

 


Milan, Abril 20, 2017 - Isang Pinay ang naloko kamakailan ng dalawang South Americans sa Milan matapos alukin ng diumano’y winning ticket ng SuperEnalotto.

Ayon sa salaysay ng 51 anyos na Pilipina, isang babaeng South American ang tuwang-tuwang nagtanong sa kanya kung saan ang pinakamalapit na tabaccheria. Kasabay ang pagpapakita ng tiket ng SuperEnalotto. Sinigurado ng kaharap na babae ang pagkapanalo ng malaking halaga. Nakumbinsi naman ang Pinay na samahan ito sa tabaccheria kung saan kanilang nakita ang naghihintay na kasintahan ng South American. Kinumpirmarin ng lalaki ang pagkapanalo ng hawak na tiket.

Sa puntong ito, inalok umano ng dalawa si kabayan ng winning ticket na hawak kapalit ng salapi at alahas.

Sa kasamaang palad, nagwagi ang dalawa at tinanggap ng Pinay ang kanilang alok. Umuwi si Pinay sa bahay at kumuha ng cash at alahas.

Sa muling pagbabalik sa bahay ng Pinay ay napagtanto nito na walang anumang panalo ang tiket at walang nagawa kundi ang lumapit sa awtoridad upang i-repot ang mga kaganapan at inaasahang mahuli ang mga manloloko.