Bagong pamunuan ng GSBII Bronzewing Firenze Chapter, nanumpa - Ako Ay Filipino

20
Fri, Oct

Kinatawan At Panayam

"Brotherhood for service, oneness, loyalty, integrity, dignity, and transparency"

 

Florence - Pormal na nanumpa noong ika-9 ng buwan ng Hulyo 2017 ang mga bagong halal na opisyales ng Guardians Solid Brothers International, Incorporated - Bronzewing Firenze Chapter (GSBII-Bronzewing Firenze) sa Hotel Basilea, lungsod ng Firenze sa pamumuno ni Mr. Edgar "Founder Egay" Limon. 

Pagkapasok pa lamang sa hall ng venue ay mapapansin agad ang motto ng GSBII: Brotherhood for service, oneness, loyalty, integrity, dignity, and transparency na siyang gabay ng lahat ng kasapi ng guardians faction na ito sa kanilang pagpapatupad at pagsasabuhay ng kanilang mga adhikain.

Kasabay ng mainit na sikat ng araw ang mainit na pagsalubong ng mga miyembro ng samahan sa mga panauhin na kumakatawan sa iba't ibang asosasyon sa rehiyon ng Toscana at ang mga kapatid sa balikat na nagmula sa iba't ibang factions ng Guardians sa Toscana at sa Roma. Bandang alas 2 ng hapon ng pormal na sinimulan ang programa na pinangunahan ni Mrs. Gloria Fajardo Jimenez na siyang gumanap na Emcee sa ebento. 

Ang mataimtim na dasal ng lahat at ang pagawit ng lupang hinirang ang naging hudyat ng simula ng pagdiriwang. Muling ibinahagi ni GMF Zaldy Cacas na nagmula pa sa Roma ang kasaysayan ng pagkakatatag ng samahan sa Firenze at ipinakilala ang kanilang mga kinikilalang ama ng samahan, pati na rin ang kanilang mga proyekto sa pilipinas. Sa pamamagitan ng  telekomunikasyon ay nagpaabot  din ng magandang mensahe at pagbati ang kanilang International Chairman na si  Col. Virgilio "Cgs Bronze" Briones mula sa Pilipinas. Hinikayat niya ang lahat na laging isaisip at isapuso ang pagkakaisa, panatilihin ang paggalang sa pamunuan, iwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Panauhing pandangal ng nasabing okasyon ang isa sa mga kinikilalang ama ng mga guardians sa italya na si Norberto "SMF SCORPION" Fabros. Binigyang diin nya sa kanyang inspirational speech ang importansya ng pagkakaisa at walang pagaatubilinig ipagpatuloy ang magandang nasimulan, na laging handang tumugon sa pangangailangan ng mga mahihirap at ipagmalaki ang samahan sa lahat ng sulok ng mundo.

Ang mga sumusunod ang bumubuo sa bagong pamunuan ng GSBII Bronzewing Firenze:

President - Benjamin "Frmg Benjie" Morte

Vice President-  Flordelito "Srmg Judy" Mitrado,

Secretary - John Carlo "Mg Carlo" Merlin

Treasurer - Viridiane "Rmg Diane" Barcena

Auditor - Danilo "Srmg Ducky" Dacanay

Business Manager - William "Srmg Jurgen" Mitrado,

P.R.O - Ben "Mg Bong" Saculsan

ni: Quintin Kentz Enciso Cavite Jr.

Photo credit: Norberto Fabros