Kathryn B. o “Chichay”, nagbakasyon sa Roma

Roma – Higit na kilala bilang 'Chichay', si Kathryn Bernardo ay halos ilang araw ring nanatili sa Italya nitong Abril sa kanyang pagbabakasyon sa Europa. Salamat sa Kadreamers Italy Chapter, nakapamasyal at nakapag-bakasyon ng matiwasay ang young actress. 
 
 

“Masaya at masarap ang pagkain. Very warm ang welcome ng ating mga kababayan sa akin. Actually sa buong Europe tour ko, lahat ng countries na napuntahan ko ay very accommodating sila”, ayon kay Kathryn.

 
“Napuntahan ko sa Rome sa isang araw ang mga mahahalagang place but ang nakakuha ng atensyon ko ay ang Fontana di Trevi. Infact, ipinost ko agad ang picture sa Instagram siguro dahil malinis ang water. Iyon ang nagustahan ko po sa lahat…”, pagpapatuloy pa ng dalaga. 

 
Sa kanyang maikling panahon ng pananatili sa Roma, habang ang kanyang mga fans ay hindi malaman kung saan mati-tyempuhang namamasyal ang idolo ay nakita ni Kathryn ang pagkakaiba ng mga fans sa Pilipinas at sa Italya, bagaman hindi naman kalakihan. “Siguro dahil alam ng mga fans dito sa Italy na nasa vacation ako, kaya after na makita nila ako, excited sila for a picture, and that’s it, ok na sila. Madali silang kausap, masaya na sila sa picture and after hindi na nila ako sinusundan at ibinibgay na ang privacy ko at feeling ko gusto nila mag-enjoy talaga ako sa aking vacation”. 

 
Ayon pa kay Kathryn, pagdating na pagdating sa Pilipinas ay balik trabaho agad para sa kanilang next project ni Daniel under Star cinema, ang  “She’s dating the gangster”. Inaasahan umano ng dalaga ang pagkakaroon ng international showing upang magkasama sila ni Daniel na makabalik ng Roma. “Nagkakasalisi kami ni Daniel sa mga countries na pinupuntahan ko, hopefully makabalik kami together”. Pagkatapos ng pelikula ay mapapanood muli ang aktres sa teleserye, dagdag pa ni Kathryn.
 
Lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa maraming chapter ng KADREAMERS sa buong Europa lalo na sa Italy Chapter sa panahon at pag-aasikaso para sa pamamasyal ng dalaga sa Roma. “Salamat sa time and effort para sa akin at sa solid support sa KathNiel at wish ko na maikot ko ang lahat ng chapters. Naikot ko now while in vacation ang Europe chapter. This is only my simple way of thanking them”. 
 
“Inaanyayahan ko po ang mga fans na nais maging miyembro ng KADREAMERS, wala pong age limit but tulad po ng lahat ng group ay may rules and regulations na dapat sundin. Again salamat po sa lahat!”, pagtatapos pa ng dalaga. (larawan ni: Boyet Abucay)