Wednesday, May 22nd

Last update09:32:24 AM GMT

MARIAN FESTIVAL 2011




“THE GIFT”,ang regalong ibinigay ng Diyos sa ating kabataan at ang handog natin sa Diyos ay ang ating mga kabataan na siyang pag-asa ng sambayang Kristiyano. Ito ang nagbunsod sa pagbuo ng natatanging paligsahan para sa kabataan na mula sa edad na labingdalawa (12) hanggang dalawangpu’t lima na maibahagi nila ang kanilang natatanging talento sa pag-awit o pagsasayaw alay sa kaarawan ng Mahal na Birheng Maria noong Setyembre 8, na may temang reliyoso.

altPanahon na, “It’s your time…it’s our time…it’s God’s time…it’s show time..”, kung saan ipinakita ng mga kabataang Pilipino ang kanilang kagalingang ibinigay ng Diyos. Ang paligsahang ito ay naiiba sapagkat sa pagitan ng bawat kalahok ay may nakapalaoob na “spiritual input” ng emcee na si Joey Cabrejas, na siyang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon upang makapagbahagi ng mabuting alay sa Diyos.

Ang layunin ng pagdiriwang na ito ay para hikayatin ang mga kabataan at mahubog ang kagalingang ito at maging isang mabuting halimbawa sa kanilang kapwa. Nagpamalas ng kagalingan ang apat na grupo sa pag sasayaw (Yopez dance group-El Shaddai, nanalong 2nd prize;Lucky Me-Sta.Maria Goretti Community at Hard Krew ang 3rd  prize at at The Filipino Musical Academy ang 1st prize, managed by Jessieat Leany Ramirez. Ang labing isang kalahok sa pag-awit ay nagbigay ng lubos na kasiyahan sa mga manonood na sina:Glad Everking Magsino, Paulo Noces, Christian Peralta (1st Prize), Rachelle Malaluan, Cesarah Anne Saraza, Ma.Veronica Padilla, Sheen Ann del Rosario, Arjufer Oliver (3rd prize), Rey Jonne Acevedo (2nd prize), Catherine Magsino,  at David Rebollado. Ang mga judges ay sina Fr. Jess Marano, Fr. Domingo Salonga, Jeffrey Jordan, Ramcee Kaguitla, Ike Vocales,Mayet Sarmiento at Sol Serano. Ang pagdiriwang na ito ay ginanap sa Teatro Vigano, Sta. Maria della Speranza, via Francesco Cocco Ortu, 19, R oma.

Ang tagumpay ng proyektong ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng Alliance of the Two Hearts of Jesus and Mary Communities, (Protomartiri-Gregorio VII, Sacri Cuori-Vescovio at Sta Felicita-Fidene) Rome Chapter. Ang Spiritual Director ay si Fr. Jess Marano with the blessing ng Chaplaincy, Fr. Romy Velos. Ang Coordinator ng ATH-Rome Chapter ay si Evelyn Milla kasama ang YOUTH Coordinators na Ma.Bernadette Cudiamat at Joey Cabrejas ang nanguna sa proyektong ito para sa kabataan. More power to all YOUTH movement for the Lord!

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Pamela Gray, isang Global Pinoy!

alt

“Why not me?”, ito ang titolo ng unang unang CD ni Pamela Gevero, lalong kilala bilang Pamela Gray sa Italya. Isang awitin na napapakinggan sa iba’t ibang parte ng mundo magmula noong nakaraang lunes, ika-!9 ng Septyembre.

“Ito po ay aking handong sa aking mga kababayang nasa Italya gayun din sa ating bansang Pilipinas”, pagmamalaki ni Pamela sa isang interview ng Akoaypilipino.eu. “Malaking karangalan na isang Pilipina ang lead vocalist ng isang banda ng mga Italyano (Smile Band).

Si Pamela Gray ay tubong IloIlo, ipinanganak noong Enero taong 1972. Tapos ng kursong Business Administration. Pagkatapos nang pag aaral ni Pamela Gray, nagpatuloy ang kanyang pagkanta sa karaoke bar at malalaking pub sa Iloilo para ipagpatuloy na maibahagi sa publiko ang kanyang hilig sa larangan nang pag-awit.

Pagkalipas nang ilang taon ay nag-asawa si Pamela at pansamantalang iniwan ang maging singer ng pub at public karaoke  bar. Hindi nagtagal, apat na taon ang makalipas, ay nagdesisyong mag trabaho sa Japan. Naging isang sikat na mang-aawit sa Tokyo. Naging bahagi ng Mango band na naging simula ng maraming konsyerto sa Dubai, Bahrain, Saudi Arabia. Patunay na mas lalong tumibay ang career ni Pamela sa larangan nang musika.

Taong 1998 nagdesisyon si Pamela na magtungo ng Italya bilang isang employee at dito nakilala si Gregorio Cosentino, taong 2004. Matapos makita ang angking  talento sa pag-awit, si Gregorio ay naging guro niya sa  musika.

“Natatandaan ko, isang hapon nang summer  nang 2005, sa bahay ni Gregorio ay dumating ang kanyang matalik na kaibigan na si Enzo Negro, art director nang  kilalang tv chanel sa Italya. Narinig niya ang boses ko at nag offer  ito nang posibilidad na maging guest ako sa mga shows”, masayang kwento ni Pamela.

alt

Nag-umpisa ang kanyang public appearance sa Italya sa “Derby del cuore ad Albairate”sa Milan noong 2005; singer ng Orchestra della Pirelli Refranchaising. Naging bahagi ng contest na “Uno Su Mille” ng taong 2006 sa Montecatini Terme.  Taong 2006, nagdesisyon si  Enzo Negro at Gregorio Cosentino na  gumawa nang album para maipagmalaki sa buong Italia ang galing ng isang Pilipinang tulad ni Pamela.

“Malaki po ang pasasalamat ko sa aking  manager producer na si Enzo Negro na isa sa mga  art direktor ng Mediaset. Gayun din sa Music Waves Edizioni Musicali, sa kanilang paniniwala sa aking pag-awit. At siymepre pa, hinihiling ko rin po ang suporta ng ating mga kababayan na patuloy na tangkilikin ang talentong Pilipino”, pagtatapos pa ni Pamela.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Kaya natin, Pilipinas!

Kaya nating magkaroon ng tapat at mabuting bansa. Kaya nating mangarap ng magandang buhay para sa ating mga pamilya at kaya ring maaabot ito. Kaya nating magsama-sama at magbuklod para sa ikararangal ng bansang Pilipinas. Kaya nating iahon ang ating mga sarili ng may dignidad mula sa kahirapan tungo sa kaunlaran at katiwasayan.

altThis was the battlecry of the Pilgrimage Run of the 5 Basilicas of Rome for the Philippines and the OFWs initiated by Atty. Arnel P. Casanova held last Set 15 . Atty. Arnel is one of the Leadership and Social Entrepreneurship (LSE) training resource persons and now head of the Bases Conversion Development Authority (BCDA) in the Philippines. Atty. Casanova, Esq. graduated from Harvard University (MPA, Finance and Leadership) and is a graduate of the University of the Philippines (Law, Urban Planning).

Aimed to lift up in prayer the OFWs concerns and the Philippines in general, the run was dedicated to encourage the OFWs to pursue their dreams of a better life for themselves, their families and ultimately the dream of a better Philippines as a nation.alt

LSE Rome and partners successfully supported the Pilgrimage with a number of LSE course graduates and friends who joined the run from San Paolo Fuori le Mura, to St. John Lateran, to San Sonia Jess Lorenzo Fuori le Mura, to Santa Maria Maggiore, side trip to Santa Pudenziana, to St. Peter's Basilica in the Vatican. It is a pilgrimage from the tomb of St. Paul to the tomb of St. Peter, the two pillars of the Church.

According to Atty. Casanova , “Reflecting on the significance of the places and the run, these two apostles and martyrs were migrant workers in those times. They migrated in a foreign land to build the Church of Christ and in so doing, helped in changing the world through the work for the salvation of our souls. It is providential as well that the Filipino Migrant Center in Rome is located in Santa Pudenziana which was the sanctuary of Sts. Peter and Paul when they were being persecuted in their apostolic work. Now, it is serving as a place for refuge for every Filipino in Italy.”

Atty. Casanova exhorted the modern day migrant workers, urging them to reflect on the lives of these two apostles as they relate their everyday work and sacrifice to pursue their dreams of better lives for family and country. “Most of us who work in building and keeping the homes of our employers must see and uphold always the dignity in ourselves with excellence and dedication in our tasks. There is honor and sanctification in labor, regardless of what your job is. Marangal ang anumang hanapbuhay”, he added.

The Pilgrimage Run for the Philippines and the OFWs is anchored on the belief that “…while Sts. Peter and Paul offered their labors and their lives to their task of building the Church, we shall be mind-ful that our tasks in a foreign land is also to build the church within our families and in the families that we work for. In so doing, we are building the strong foundations for our country's progress as well and for the future generation of Filipinos.”

Among those present to greet Atty. Casanova and OFW-runners and friends at the Vatican grounds-end of the run were Consul General Danilo T. Ibayan and Florita M. Icasiano of the Embassy of the Philippines to the Holy See, Labor Attaché Cho-na M. Mantilla of the Philippine Embasssy in Rome, Consigliere Romulo Salvador, OFSPES President Maris Gavino, Mr. Ed Valenzuela of FAO, who is also an OFSPES member and resource person, Filcom leaders Pia Gonzalez and friends of Sky net, and other OFWs, LSE graduates.

altThe group proceeded to pray at St. Peter’s Basilica in Rome and then went to the Basilica Sta. Pudenziana for a brief meeting-fellowship with OFWs and leaders. During said meeting, Atty. Casanova further encouraged the OFWs, saying, “Hindi biro ang mag-lakas ng loob sumubok sa bansang banyaga na ang bukas marahil ay hindi tiyak. Subalit ginawa ninyo yan ng may tapang, pag-asa, at pagsisikap, magtrabaho man ng gabi't araw at mawalay man sa ating mga mahal sa buhay. Nawa'y patuloy pa rin tayong mangarap ng magandang bukas at huwag mawalan ng pag-asa. Nawa'y palagi rin ninyong paniwa-laan ang inyong lakas, talino at kakayahan sa bawat gawain at kung saan man din kayo makarating.”

The meeting concluded with the thought that we can achieve whatever dream we set for ourselves, as a country and as a people. All we need to do is to believe in those dreams, believe in our capabilities, and work hard to achieve them in dignity. God is always with us.

Kaya Natin Pilipinas!!! Forza Filippine, ce la facciamo!!!

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Marriage Encounter ginanap sa Roma

 “Love is always patient and kind, It is never jealous; Love is never boastful or conceited; It is never rude or selfish; It does not take offense, and is not resentful”. Philippians 2:2

altIsang tagumpay na Marriage Encounter sa Roma ang naganap noong August 5 -7, 2011 sa Don Bosco Istituto Salesiano Teresa na inorganisa ng Loved Flock Catholic Charismatic Renewal Ministries sa pangunguna nina Bro. George at Sis. Liza Magmanlac.

Ang nasabing marriage encounter ay naging makahulugan sa 12 mag-asawa mula sa Roma at Vienna at tatlong pariticipants na ang asawa ay naninirahan sa Pilipinas. Tinukoy sa weekend seminar na ito ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng mag-asawa lalo’t higit ang relasyon sa Diyos.  

“Blessed ako na nakasali sa ganitong gawain na ang akala ko ay hindi ko kayang sumali. Iniisip ko, wala naman kaming problemang mag-asawa, bakit ako sasali. Ang sarap ang pakiramdam ko kasi tumagos sa puso ko ang aking mga natutunan”, ang masayang bigkas at kumbinsidong si Bro. Ricky Amodia.

Biyaya daw ang presenting couple na nagmula pa sa Pilipinas na sina Bro. Claro at Sis. Bay Santos, Bro. Jing And Aster Mendoza at Bro. Rene and Myrna Baluyut na taga Las Vegas. Ayon kay Bro. Claro, ang marriage encounter ay gawain upang palalimin ang relasyon ng mag-asawa, na sa ordinaryong buhay, nadadala ang takbo ng buhay nila sa kagustuhan ng mundo. Aniya, “Dito sa ME ay  tinuturuan tayo ng tamang pamamaraan, ang importansya ng pag-aasawa at pagiging banal ng mag-asawa”.

Ayon naman kay Mons. Albert Venus, nagpunta dito sa Roma para magbigay ng ME seminar, laking pasasalamat siya sapagkat nakapaghatid daw sila ng magagadang balita sa pamamagitan ng marriage encounter. May kaunting kalungkutan rin sapagkat 12 couples lamang ang nakasama. Umaasa siya na sa mga darating pang ME, marami pang couples ang makasama sapagkat ito daw ay kailangang kailangan ng pamilya. Totoong ambisyon at pangarap ng mga OFWs ang trabaho at pera, ngunit mahalaga ang relasyon sa Diyos na siyang nagbigay ng lahat ng ito. (ni Liza Bueno – Magsino)

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Asamblea ng mga Saksi ni Jehova, ginanap sa Roma

altGinanap sa Assembly Hall ng Saksi ni Jehova sa Roma noong Hulyo 28 ang isang Pandistritong Kombensyon o Asamblea kung saan tinalakay ang tungkol sa isang gobyerno na binabanggit ng milyun-milyong tao sa kanilang mga panalangin. Ang layunin ng programa ay upang palakasin ang pananampalataya ng bawat isa sa pagiging totoo ng  Kaharian ng Diyos.

Ang tema ng asamblea ay "Dumating Nawa ang Iyong Kaharian!" at ito ay dinaluhan ng mga Pilipino mula sa Sentro at Timog ng Italya. Tinalakay sa nasabing pagtititpon ang "modelong panalangin" o "Panalangin ng Panginoon" o "Ama Namin" kung saan itinuro ni Jesus na manalangin na "dumating nawa ang Kaharian ng Diyos". Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na malaki ang pagbabagong idudulot ng Kahariang ito dito sa lupa.alt

Bukod sa pagiging isang okasyon para matuto ng higit pa tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga layunin ang asamblea ay naging isang okasyon para higit na patibayin ang buklod ng kapatiran na umiiral sa pagitan ng mga Saksi ni Jehova. Hindi lamang mga salig-sa-Bibliyang mga pahayag, nagkaroon din ng iba’t ibang pagtatanghal tulad ng mga interview at mga drama.

Sa Italya ay gaganapin ang 89 na ganitong uri ng asamblea sa 17 mga lunsod.

Sa buong daigdig ang mga Saksi ni Jehova ay mahigit sa 7.500.000 at bumubuo sila ng 107.000 kongregasyon. (ni: Eduardo Maresca)
 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com