Saturday, May 18th

Last update09:56:40 AM GMT

Dalawang Pinoy, pangunahing suspect sa nakawan sa Olgiata




Mag-asawang Pinoy domestics, pinagsusupetsahang nagnakaw ng 150,000 at ng mamalahaling alahas sa bahay ng isang jeweller.

Rome – Abril 17, 2013 - Mag-asawang naka live-in ang pangunahing suspect sa kasalukuyang iniimbestigahang maxi furto o malaking nakawang naganap sa villa ng isang jeweller sa Olgiata, Roma.

Ayon sa inilathala ng pahayagang Messaggero kamakailan, tinatayang higit sa 150,000 euro cash at ilang mamahaling alahas ang nawawala sa bahay ni Salvatore M., ang employer ng mag-asawang Pilipino kung saan naglilingkod at naninirahan nang ilang taon.

Ayon sa report ng nabanggit na pahayagan, ang mga mamahaling alahas ay hindi diumano nakalagay sa isang safety box o vault bagkus ay nakatago lamang sa lumang writing desk. Kasama ng mga alahas tulad ng kwintas na gawa ng brilyante at emerald na naipundar ng biktima sa 50 taong pagta-trabaho nito ay may nakatago ding 150,000 euros cash.

Malaking yaman ng pamilya na ang mga anak ni Salvatore ay napag-desisyunang itago, ngunit huli na ang lahat dahil halos wala ng natagpuan ang mga anak nang matuklasang pinagnakawan ang kanilang ama. Natira na lamang ay mga gomang ginamit sa pagba-bundle ng pera.

Wala na ang pera, mga singsing at kwintas at higit sa lahat, ayon pa sa report, ay wala na rin diumano ang mag-asawa na dalawang taong nagparoo’t nagparito sa loob ng villa at napag-alamang may plane ticket ang dalawa at naka schedule ang lipad noong April 4.

Ayon sa ginawang imbestigasyon, ay naibenta na diumano ng mag-asawa ang sasakyan ng mga ito at ilang beses na rin nagpadala ng pera sa Pilipinas ang dalawa.

Samantala, ilang alahas na nawawala ang natagpuan sa ginawang raid sa apartment ng mga Pilipino.

Sa kabila ng mga napag-alaman sa ginagawang imbestigasyon, ang mag-asawa ay nananatiling di-inaaresto ng awtoridad, pagtatapos ng nasabing report.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Filipinos in Milan hold D2D Echo Seminar

Milan – April 8, 2013 - A whole day gathering of various Filipino Associations in Milan was held last March 17, 2013, to participate in the Diaspora to Development (D2D) Echo Seminar, as a result of the worldwide D2D Conference in Rome last September 2012.

The objective of the Rome D2D Conference, which was echoed in the Seminar, was to work towards a united front for all Filipinos in the diaspora and to engage these Filipinos for the development of the Philippines even while living abroad.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

OAV voters na di nakaboto sa dalawang eleksyon, makakaboto rin

Makakaboto sa nalalapit na national at local election ang mga ofws na hindi bumoto noong nakaraang 2007 at 2010.

Rome - Abril 8, 2013 - Sa pamamagitan ng Resolution No. 9653 ng Comelec, ang sinumang rehistradong ofws na hindi bumoto sa nakaraang 2007 at 2010 elections ay may pagkakataong ipahayag ang kanilang pagnanais na bumoto sa nalalapit na national at local election.

Ayon pa sa resolusyon, ito ay upang pahabain ang panahon sa pagsusumite ng ‘manifestation of intent to vote’ hanggang sa huling araw ng eleksyon.

Maaaring magtungo lamang ang mga OAV voters na hindi nakaboto sa nakaraang dalawang eleksyon sa Philippine Embassy sa Roma o sa Philippine Consulate General sa Milan (kung saan rehistrado), upang personal na ipahayag ang  ‘intent to vote’ at pirmahan ang blank OAVF no. 2A. Mangyaring magdala lamang ng anumang identification card na may litrato upang muling makaboto hanggang May 13, 2013.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Tatlong Pilipinong pusher, inaresto

Natagpuan ang telephone number ng supplier ng shabu matapos arestuhin ang pusher, isang Pilipino51 anyos  na naging daan upang matunton ang 2 supplier ng ipinagbabawal na gamot sa Flaminio.

Roma –Abril 5, 2013 -  Inaresto ang isang Pinoy, 51 anyos kamakailan na nagtataglay ng 3 dosage ng shabu sa ginawang anti-drug control ng mga tauhan ni Dr.ssa Giovanna Petrocca sa Via Cassia. Bukod dito, matapos ang ginawang raid sa tahanan ng pusher ay natagpuan din ang 4 dosage ng shabu, electronic weight scale at ilang kagamitan sa pagpapa-pack at malilit na papel na nagtataglay ng mga pangalan ng ‘kliyente’.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

MDG, nagdiwang ng ikalimang anibersaryo

Roma - Abril 3, 2013 - Hangarin ng Mother of Divine Grace - Bravetta Filipino Community sa pagdiriwang ng ika-limang taong anibersayo noong nakaraang linggo.

Many are called but few are choosen”, ito ang naging tema sa pagdiriwang ng MDG Community. Tema na nagbibigay halaga, hindi sa dami o quantity bagkus ang kwalidad o quality ng isang komunidad na naglalarawan ng pagkakaisa at binibigkis ng panalangin kasama ang parokya ng Santo Crucifisso, kung saan kasalukuyang matatagpuan ang nasabing community.

Ginanap sa pakikipagtulungan ng  FIMECA o Fil. Migrants European Chess Academy ang Chess competition kung saan nanalo sa Kids Division si Cristian Valdez (Champion),  Stephen Javier (1st runner up), at Rysher Resurreccion (2nd runner up). Sa Senior Division naman ay nanalo bilang Champion si Abner Solis ng INC, Ben Dumlao (1st runner up), Alex Escovido ng INC (2nd Runner).

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...