Sa pagtutulungan ng Embahada at ng Komunidad, dalawang magkahiwalay na pagtitipon ang ini-alay kay Consulacion Dulay, isang OFW na mayroong terminal skin cancer, at ang tanging kahilingan ay ang makasama ang mga anak at pamilya sa nalalabing buhay.
Roma, Abril 30, 2013 - "Nais ko lamang makauwi ng buhay at makapiling ang aking pamilya" Ito ang wika ni Mrs. Consolacion Dulay, 64 taong gulang, tubong Novaliches, Quezon City.
Ang malubhang kalagayan ang nakatawag pansin upang ang OWWA, ang Embahada at ang filcoms sa Roma sa pangunguna ni Rome City Councilor Romulo Salvador ay nagkaisang kumilos upang sya ay matulungan.
Taong 1984 nang si Dulay ay dumating sa Roma at napasok agad bilang assistant cook sa isang Italian restaurant. Sa kasalukuyan, ay halos pitong taon na siyang walang trabaho at permit to stay hadlang sa lubos na health assistance na kinakailangan, sapat na dokumentasyon, gayun din ang kawalan ng sapat na halaga upang makauwi ng Pilipinas.
Caserta, Abril 29, 2013 - Pinangunahan ng grupo ng mga kababaihan ang Medical Mission o libreng pagpapatingin ng dugo na ginanap noong ika-7 ng abril 2013 sa Via Roma, Caserta. Nagsimula ang nasabing medical mission bandang alas 8:00 ng umaga at dahil sa hindi inaasahan na marami ang darating at nagpatingin ay umabot ang check-up ng hanggang alas 12:00 ng tanghali.
Firenze, Abril 29, 2013 - Naganap ang isang pagpupulong at paghaharap ng komunidad ng mga Pilipinong naninirahan sa Firenze at Pamahalaan ng nasabing siyudad noong Abril 21, 2013, sa Piazza Indipendenza na matatagpuan mismo sa harapan ng tanggapan ng Konsolado ng Pilipinas sa Firenze. Ang nasabing pagpupulong ay inorganisa ng Confederation of Filipino Leaders ng Firenze at Consulate Coordinator sa pangunguna nina Ms. Divina Capalad at Mr. Wilfredo Punzalan. Bukod sa iba’t-ibang Filipino community leaders, ang nasabing inkontro ay dinaluhan din nina Sig. Nicola Benvenuti, Presidente ng Quartiere 1, Consiglieri Ornella Grassi, Sig. Ivano Niccoli at ng atin mismong Honorary Consul sa Firenze, H.E. Dr. Fabio Fanfani. 
Roma
