Monday, Jul 06th

Last update01:11:25 AM GMT

Pilipino sa Roma, aktibo ang partesipasyon sa Expo d’Oriente

Hindi nagpahuli ang Pilipinas at aktibo ang naging partesipasyon sa tatlong araw na aktibidad ng Expo d’Oriente nitong Hunyo.

Roma, Hunyo 12, 2015 - Sa pangunguna ng Ompseco o Organizazzione Mondiale per la Promozione Scientifica Educativa della Cultura Orientale - sa pakikipagtulungan ng mga asosasyon, pederasyon at mga boluntaryo, sa kolaborasyon ng mga Embahada at pamahalaang lokal - ay ginanap ang Expo d’Oriente nitong nakaraang June 5, 6 at 7 sa Laghetto dell’Eur Roma kung saan sa unang pagkakataon ay itinanghal ang International Fair of Oriental Culture.

Itinampok sa tatlong araw na ‘fiera’ ang iba't ibang kultura ng mga bansang lumahok tulad ng India, Vietnam, Thailand, Japan, Nepal, China at Philippines. Mula sa mga cultural shows at exhibitions, mayroon ding mga bazaars, food at trade booths, natural medicines, traditional massages, natural theraphies at yoga. Nakaagaw-pansin rin ang martial arts exhibitions. Ang lahat ng ito ay natunghayan sa kabuuang 112,510 square meters na kinasasakupan ng Laghetto.

Read more...

Bagong Opisyales ng PDBA Palermo nanumpa

Palermo, June 12, 2015 – Nanumpa ang mga bagong halal na opisyales ng Philippine Don Bosco Association ng Palermo kamakailan sa Sta. Lucia Church Grounds sa harapan ni Dott. Antonio Di Liberto, ang Honorary Consul ng Philippine Consulate of Sicily at Reggio Calabria.


 

Dapat isapuso ang pagtupad ng inyong mga responsibilidad at kayo ang mag pasimuno ng pagkakaisa para sa paggawa ng magagandang bagay para sa buong komunidad” mensahe ni Dott. Liberto. Idinagdag pa niya na bukas ang pintuan ng konsolato para tumulong sa anumang adhikain ng asosasyon para sa ikakaunlad ng buong Filipino community hindi lamang sa Palermo kundi sa buong Italya.

Nagbigay din ng mga magagandang mensahe ang mga ilang bisita tulad nina Fr. Sergio Natoli ng Migrantes at Arcobaleno dei Immigrati ng Palermo, Fr. Mario Fugazza – ang paring gumagabay sa mga Pilipino sa Palermo at si Mrs. Corazon Riel mula sa Reggio Calabria - sekretarya ng Filcomfedsi.

Read more...

Donasyon para sa mga biktima ng lindol sa bansang Nepal

Milan, Hunyo 11, 2015 - Kahit sa mga ordinaryong araw, ay walang patid at dinudumog ang 6 buwan Expo 2015 sa Milan. Kanya-kanyang presentasyon ang ipinamalas ng mahigit kumulang isang daan bansa na lumahok sa naturang event na may kinalaman sa mga pangunahing produktong pang agrikultura.


Hanggang sa kasalukuyan ay ilan bansa pa rin ang hindi nakakapagbukas ng kanilang pavilion. Isa na dito ang bansang Nepal. Matatandaan noong buwang ng Abril ng taong kasalukuyan ay niyanig ang nasabing bansa ng lindol na may lakas na 7.8 magnitude na nag resulta sa daang daan kataong nasawi at mga nasugatan, maging ang pagkasira ng maraming bahay at gusali at ilan pang mga imprastraktura.

Isa na rin sa mga dahilan kung bakit naalarma ang mga Nepalese workers na gumagawa sa kanilang pavilion sa Expo site kung kayat nagsiuwian ang mga ito ng wala sa oras.

Read more...

Flores de Mayo at Sta Cruzan, idinaos sa Milan

 

Sa pangunguna ng Filipino Catholic Community in Milan o FCCM ay muling ipinagdiwang, sa ika-siyam na taon, ang Flores de Mayo at Sta. Cruzan.

 

 


Milan, Hunyo 9, 2015 - Muling ginunita sa ika-9 taon ang pagdiriwang ng Flores de Mayo at Sta Cruzan sa Milan, Italy na inorganisa ng Filipino Catholic Community in Milan o FCCM sa pamamagitan ng overall coordinator na si Efren Montillana sampu ng mga bumubuo ng FCCM.

Ang tema, “Maria, tulong ng mga pamilyang nagkakahiwalay dahil sa pangingibang bansa”. Ayon kay Montillana, ang imahe na “Mary help of Christians” ay binase sa kasalukuyan tema. “Yearly kumukuha kami ng iba’t ibang image ni Sta Maria at iniisip namin kung pa¬ano ibabatay ito para sa Flores de Mayo at Sta Cruzan”, dagdag pa nito.

Ang prosesyon ay nagmula sa Chiesa di Santa Maria della Passione sa Via Conservatorio hanggang sa Basilica di Santo Stefano Maggiore. Mahigit 30 hanggang 40 minutong ang paglalakad ng mahigit dalawampung Sagala, dalawamput limang reyna at maging ang mga deboto ni Santa Maria, habang nagdadasal ng rosaryo ang mga ito sa kanilang pagbaybay sa mga pangunahing kalye ng Milan patungo sa Basilica.

Sa pagtitipon-tipon ng mga filipino religious sectors sa Milan upang gunitain ang nasabing okasyon ay damang-dama ni Consul General Marichu Mauro ng PCG Milan ang pagkakaisa ng filipino community kung kayat pinasalamatan ni ConGen ang kintawan ng FCCM at ang buong komunidad.

Read more...

Isang Pinoy at tatlong Instik, arestado sa Padova dahil sa shabu

Shabu, pina-pack sa isang apartment sa Padova. Arestado ang tatlong (3) supplier na Chinese at isang (1) Pinoy na taga Milano.

 

 

 


Padova, Hunyo 1, 2015 – Inilathala kamakailan sa “PadovaOggi” ang ginawang raid ng Padova police sa isang apartment kung saan kinumpiska ang natagpuang 2 etti o 200 gramo ng shabu. Dito ay natagpuan rin ang € 12,300 cash na pinaghihinalaang galing sa pagbebenta ng shabu.

Matapos arestuhin ang isang Pilipino sa Bologna na residente sa Padova noong nakaraang Marso dahil sa pagiging ‘courier’ nito para sa isang grupo ng mga Pinoy ‘pusher’ ay mainit ang pagsubaybay sa mga pinaghihinalaang ‘courier’ ng pinagbabawal na gamot.

Dahil dito, isang 44 anyos na Pilipino, kasama ang tatlong (3) Instik malapit sa istasyon ang nimanmanan ng mga pulis noong nakaraang linggo. At nitong Miyerkules, namataan ulit ng awtoridad ang parehong Pinoy sakay ng isang Fiat Punto sa Via Eremitano, matapos lumabas mula sa isang apartament sa parehong kalsada. 

Read more...