Wednesday, Jun 19th

Last update01:27:06 PM GMT

Batang Idol 2013 Grand Finals & Benefit Concert




“Non ricordo un evento organizzato cosi bene in Italia”, sapat na ang mga katagang ito ng mga Italyanong hurado upang ilarawan ang tagumpay ng BATANG IDOL.

Roma – Dinumog ng mga Pilipino ang pinakahihintay na “Batang Idol 2013 Grand Finals & Benefit Concert" noong nakaraang Mayo 15 sa Teatro Don Orione, Roma.

Ito ang talent search  na sinalihan ng 34 na mga kabataang Pilipino mula 5 hanggang 12 anyos na nagtataglay ng iba’t ibang talento: pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng instrumento at iba pa. Ngunit di tulad ng ibang mga contest, ang Batang Idol lamang, sa direksyon ng Pyramid Entertainment Productions, ang natatanging contest na lahat ng mga kabataang sumali ay naramdamang ‘panalo’  lahat pagkatapos ng Finals.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Isang buntis ng anim na buwan inaresto sa pagbebenta ng shabu

Kasama ng buntis ang isa pang babae at dalawang lalaki. Nahulihan ng 130 gramo ng shabu.

Modena, Mayo 31, 2013 - Dalawang lalaki at dalawang babaeng Pilipino, may edad 25 hanggang 30 anyos ang inaresto kamakailan matapos mahulihan ng 130 gramo ng kilalang shabu. Nagkakalahaga ng 400 € bawat gramo.

Noong nakaraang Linggo, ayon sa mga report, ay natagpuan ang halos 25 gramo ng droga sa appartment sa Via Giardini, na nakatago sa bulsa ng unang mag-asawa. Samantala, ang 105 gramo naman ay natagpuan sa isang hotel sa Via Vignolese ng ikalawang mag-asawa.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Ikalawang Pinoy Band Expo ginanap sa Roma

Rome, Mayo 31, 2013 - Mula sa Unique Entertainment at Filipino Musicians and Artists Guild ay nasaksihan na naman ang galing ng ating mga kababayan sa larangan ng musika. Matagumpay na giannap ang ikalawang yugto ng Pinoy Band Expo noong nakaraang ika-5 ng Mayo sa Teatro Volturno kung saan ilang bandang Pinoy ang nagpasiklab sa entablado ng kanilang mga sariling komposisyon na mga awit.

Hindi matatawaran ang hilig ng mga Pinoy sa musika kung kaya’t patuloy naman ang suporta ng mga dumalo buhat sa Roma Capitale, PIDA o Philippine Independence Day Association at Migrante Rome.

Matatandaang noong 2009 ay ginanap ang kauna-unahang Pinoy Band Expo sa pangunguna ng mag-asawang Jojo Villanueva at Vickie Paguio Custodio, ang administrator ng Filipino Musicians and Artists Guild. Layunin ng mga nabanggit na mahikayat ang mga Filipino artists sa Roma na palawigin ang kanilang talento sa musika, at magsilbing outlet ang ginawang pagdiriwang upang maipakita ang katangian ng musikero sa pamamagitan ng sariling komposisyon na mga awitin at ang maibahagi pagkatapos sa iba pang musikero ang pagmamahal sa musika.

Kasama sa mga nagtanghal ay sina Queencel, Roommates, Justin Almonte, ang bandang Acoustika,The Sessionist Band at ang Pinoy Band Expo 2009 Champion na 4th Session Band.

Umaasa ang pamunuan ng Unique Entertainment at Filipino Musicians and Artists Guild na patuloy na tangkilikin at susuportahan ang ating mga kababayang musikero lalo na ngayong pinaplano ang compilation ng mga awiting kanilang isinulat. (ni: Jacke De Vega)

 

 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Bagong panganak na sanggol, namatay

Bologna, Mayo 24, 2013 - Namatay ang isinilang na sanggol bandang alas 9 ng gabi noong May 14, tatlong oras matapos ipanganak ng cesarean sa Maggiore Hospital sa Bologna.
Napag-alaman na ang ina ay isang Pilipina, nasa malalang kundisyon  sa pagdating sa ospital at dumaan sa maselang operasyon upang maisalba ang sanggol. 
Isang report diumano ang inilahad sa Procura di Bologna ang nagbuhat sa Ausl at upang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng sanggol  ay hiniling ni pm Francesco Caleca na sumailalim sa awtopsiya ang bangkay ng sanggol na inaasahang lalabas sa susunod na linggo.
 

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...

Ang hamon ni SIBI sa Campidoglio

Si Kumaramangalam, kandidato ng PD sa Capital of Italy, ang Rome: "Hindi lamang para sa immigration, kami ay mga mamamayan din tulad ng iba." At inilunsad ang kanyang slogan "Pumili ng isang Italyano"

Rome - Mayo 23, 2013 - "Pumili ng isang Italyano, ipaboto si Sibi."

Ito ay isa sa kanyang mga slogan sa kanyang pagtakbo sa Konseho ng Roma, si Sibi Mani Kumaramangalam, 46 anyos, lahing Indyano, ganap na mamamayang Italyano at kaibigan ng mga Pilipino, tumatakbo para sa PD sa lokal na eleksyon sa lungsod. Isang pag-aanyaya sa 250,000 kapwa imigrante na walang karapatang bumoto na siya ay ipangampanya.

Kumaramangalam (“ngunit sa balota ay sapat ng Sibi lamang ang isulat”, nababahalang binigyang diin ang pangalan) dumating sa Roma mula Kerala noong 1990, taong ang kanyang mga kababayan sa kabisera ay iilan pa lamang. "Lahat kami ay magkakakilala," kwento ni Sibi. Nag-aral ng Engineering sa La Sapienza, ngunit nilisan ang pag-aaral sa kawalan ng sapat na mapagkukunan upang magpatuloy. “Ako ay nagtinda ng ice cream, naging driver, care taker ng isang gusali sa Parioli… Sa ngayon ako ay mayroong tanggapan na nagsasa-ayos ng mga dokumentasyon”.

Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com

Read more...