Tuesday, May 21st

Last update10:32:29 AM GMT

Bangkay ng Pilipino, natagpuan kaninang umaga




Nireport na nawawala noong nakaraang Biyernes .

Verona, Hulyo 13, 2012 -  Ang bangkay ng 22 anyos na Pilipinong nireport na nawawala noong nakaraang Biyernes, July 6 sa Adige ay natagpaung nakalutang kaninang umaga sa ilog, malapit sa diga centrale San Giovanni Lupatoto sa Via Garofoli. Ang bangkay ay natagpuan ng isang residente makalipas ang alas 8 ng umaga at itinawag sa 112.

Si Alvin Clomera, 4 na taong residente sa Verona kasama ang kanyang pamilya, ay nireport na nawawala ng mga kaibigang kasamang nag-outing, matapos itong hindi na nakitang umahon sa paglusong sa ilog sa Adige (Pestrino) noong nakaraang Biyernes.

 

 


Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com