REYMOND DAVE DEL ROSARIO at ANGELICA GAVINA – Mr. And Miss Bikini 2014

Reggio Calabria, Hulyo 7, 2014 – Ang Filipino Community of Reggio Calabria na pinamumunuan ni Henry Aquino ay nagtanghal ng kauna-unahang patimpalak ng kagandahan na tinaguriang “Mr. & Ms. Bikini Open 2014” nitong nakaraang June 29, 2014. Layunin ng patimpalak na itaguyod at ipamalas sa bansang Italya ang kagandahan ng mga isola at dagat sa ating bansang sinilangan.

Apat na pares ang nagtunggali sa patimpalak na nagmula sa iba’t ibang community sa South Italy; mayroong galing sa Catanzaro, Messina, Reggio Calabria at Catania. Nagpamalas ang mga kalahok ng kanilang husay sa pagrampa, kagandahan ng katawan at katalinuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungang inihanda ng mga organizer. Lahat ng mga kalahok ay may angking kagandahan at kagwapuhan ngunit sa lahat ng paligsahan ay may nangingibabaw at nangunguna.

Sa pagkakataong ito, sina Reymond Dave Del Rosario ng Associazione Filippine di Messina (ACF – Messina) at Angelica Gavina ng Filipino Association of Catania (FAC – Catania)  ang tinanghal na Mr. & Ms. Bikini 2014.  (Leni Vallejo)