“JUST ME” bagong album ni JUSTIN JOY SALAZAR

altSumisikat ngayon ang 19 yrs. old na bagong recording artist na si JUSTIN JOY SALAZAR ng Pisa. Siya ang Grand Champion sa CONCORSO CANARO “7 NOTTE 2011” sa Movida Cascina, Italya. Siya rin ang SINGER/VOCALIST ng Famous Band sa Italya, ang “80 BEAT BAND”.

Bago pa lamang si Justin dito sa Italya, isa’t kalahating taon pa lamang pero nakagawa na agad siya ng pangalan sa larangan ng pag-awit. Nakitaan siya ng potensiyal sa pag-awit ng kanyang producer na si Ms. BARBARAAMBROSSINI at Manager na si MR. MANUEL SALAZAR, kaya siya ay ginawan ng kanyang unang sariling album ang “JUST ME by JUSTIN SALAZAR”. Sa kanyang katuwaan sold out kaagad ang kanyang unang album na ini-lunched noong Pebrero 13, 2011, dahil dito magkakaroon muli siya ng ikalawang album produced by CANALE 50 at ito ay inilabas sa Hulyo 2011.

Nagkaroon siya ng guesting sa Canale 50 noong Hunyo 14,15,16,28 at 29, 2011. Bukod sa magandang boses ay maganda dalaga rin si Justin kaya malayo ang kanyang mararating sa mundo ng pag-awit, sa katunayan ang kanyang 15 yrs. old na sister si JELLA ay nahirang na Miss Teenage Princess 2011 sa Empoli.

Bago pa napunta si Justin sa Italya nahasa na siya sa mga singing contest sa Pilipinas, nakamit niya ang second prize singing contest sa Cuenca, Batangas noong 2005, Grand Champion sa Lipa singing contest noong 2006 at representative ng FABNHS sa Regional singing contest sa Batangas 2007 siya ang

Grand Champion. Nagtapos sa Fernando Air Base National High School at sa Kolehiyo sa De La Salle Lipa sa kursong Associate in Hotel and Restaurant Management. Siya ay naging miyembro ng apat na Band sa Pilipinas, FROLIC BAND sa Resto Bar Lipa, GROUNDED BAND sa Library Bar Lipa at Alexis Resto Bar Batangas at KOOL STUFF BAND sa Days Hotel, Refinery Resto Bar, Al Fresco Hotel and Resto Bar Batangas, TUNE UP BAND outside gig gaya ng weddings and birthdays.

Dalawang buwan pa lamang siya sa Italya ay sumabak na agad sa Tuklas Singing Star Contest 2010 sa Firenze at nakamit naman bilang 2nd runner-up.

“I would like to thank my mentor to her patience with me, to my producer Ms. Barbara Ambrossini, my manager Mr. Manuel Salazar, to Canale 50 and to all who give me encouragement and support” masayang pahayag ni Justin. (ni Argie Gabay)