Saturday, Dec 20th

Last update11:03:07 AM GMT

Dott.ssa Jerilyn Tan Balonan, unang Pinay na duktor sa Roma

Roma, Pebrero 3, 2014 - Si Jerilyn Tan Balonan ay lumaki sa San Juan, Manila. Nag-aral ng grade school at high school sa ICA (Immaculate Conception Academy). Nag-aral ng Physical Therapy sa UERMMMC at nagtapos ng Medicine sa University of Santo Tomas. 
 

Dumating sa Italya taong 2008, dahil ang mamuhay at mag-trabaho bilang duktor sa bansang Italya ang talagang kanyang nais. Ganap na naging duktor sa Italya taong 2011 sa Tor Vergata University.
 
Ngunit, tulad ng lahat na nagnais lumabas ng bansang Pilipinas ay nahirapan din si Jerilyn. Bago makuha ang entry visa sa Italian Embassy sa Maynila, ay walang katapusang mga papeles ang kanyang iprinisinta. Ito ang unang pagkakataon ng kanyang  pagharap sa kilalang “burocrazia italiana”. Itinuturing ito ni Jerilyn na pinakamalaking balakid sa pangarap ng mga migrante. 
 
“Napakadaming papeles, timbro, certificati, at pilahan, bago ko naayos lahat ng papeles”, ayon kay duktora. 
 
Maraming interview ang pinagdaanan ni Jerilyn, bagaman isa na syang ganap na duktor. Ilang proof of admission sa Tor Vergata University ang paulit-ulit na hiningi sa Italian embassy kasabay ng paulit-ulit na katanungan kung bakit gustong mag-aral ulit ng medisina ng Pilipina sa Italya. 

Read more...

Hawak Kamay Foundation, aktibo sa pagtulong sa Pilipinas

“Kahit barya-barya lang, pag pinagsama-sama ay marami na rin ang matutulungan Pilipino man o hindi”.

Roma, Disyembre 29, 2013 - Ang Hawak Kamay Foundation ay itinatag sa Italya noong Abril 25, 2010 upang matulungan ng mga overseas Filipino workers dito sa Roma ang mga nangangailangang kapuspalad na kababayan sa Pilipinas. Ang foundation ay pinangungunahan ni Leonora Sanchez Cariso bilang Presidente at ni Marilyn Villagarcia bilang chairperson ng Sagip Kabayan Project na humanitarian arm ng nasabing foundation.

“Ang Hawak Kamay Foundation ay tumutulong din sa  mga imigrante sa paglutas ng mga problema, pagbibigay ng mga impormasyon at pagsasa-ayos ng mga dokumentasyon na may kinalaman sa host country” – pahayag ni Marilyn Villagarcia,sa panayam ng Ako Ay Pilipino.

Upang maabot ang mga institusyon na nangangailangan ng tulong sa Pilipinas tulad ng mga home for the aged, orphanages, hospitals at mga squatter areas ay mga pinagkakatiwalaang kamag-anak, kaibigan, boluntaryo at pribado ang kanilang tanging contact, bigay-diin ng chairperson.

Ang Sagip Kabayan Project, na dating nasa ilalim ng Bagong Bayani Association ay nagsimula noong Oct 2009. Sa katunayan, ay umabot sa 10,000 biktima ang binigyan ng pagkain at mga damit sa Marikina City matapos itong salantain ng bagyong Ondoy.

Sa pamamagitan ng mga bolontaryo na pinangungunahan ni Louie Albert Dela Cruz sa Pilipinas, ang Sagip Kabayan Project ay nakipagtulungan sa grupo ng mga NGO’s  sa programang “PAHIYUM” – A day of smiles for the internally displaced children of Visayas, na naghangad na mapasaya ang mga batang biktima ng bagyong Yolanda na nasa Tent city sa Mandaluyong. Dito ay dinala ang kilalang si Jolibee bilang pamaskong handog at pagtugon na matikman ang jolibee hamburger ng food chain.

Sa kasalukuyan, may 2,2 00  ang mga bata sa Bulacan, Paranaque, Batangas, Capalonga at Cardona, Rizal ang nabigyan ng ngiti sa labi ng foundation.

Regular rin ang pagbibigay ng foundation ng tulong sa New Beginning Onlus sa paghahatid ng pagkain sa mga tinatawag na senza tetti sa lungsod ng Roma. Ito ay sinimulan noong 2011 at ginaganap tuwing sabado  ika pito ng gabi sa Via Marsala.

“Kahit barya-barya lang, pag pinagsama-sama ay marami na rin ang matutulungan Pilipino man o hindi”, pagtatapos ni Marilyn.

Ang Hawak Kamay Foundation ay ang beneficiary ng ginanap na “Puso ng Pasko” benefit concert sa Roma noong Dec. 22. (ulat sa pagtutulungan ni Pia Gonzalez at Stefano Romano)

Narito ang patotoo ng isang bolontaryo na si Nicka Villagarcia:

“Iyong NGITI ng mga bata, nakakaalis ng pagod! Kung wala po ang Sagip Kabayan Project of Hawak Kamay Foundation hindi po namin mapapasaya ang mga bata sa limang barangay dito sa Capalonga Camarines Norte.

Nang dahil po sa inyo ay nakumpleto ang pasko nila at maging ang pasko namin. Hindi lang po mga bata ang napasaya ninyo , napasaya nyo rin po ang mga tao sa barangay na iyon at maging kami..

Kahit po nakakapagod dahil sa hirap ng byahe, dahil sa maputik at baku bako ang daan ay ayus lang po dahil, nung nakarating na kami doon sa mga barangay at nakita namin na masayang masaya sila ay nawawala po yung pagod namin.

Sa isang barangay ay umaabot sa 200 hanggang 300 bata ang mga naghihintay. Napaka sarap ding marinig ang kanilang pasasalamat at ang pangangaroling. Maging ang pasasalamat ng mga magulang dahil sa pagpapasaya sa kanilang mga anak at natanggap ng kanilang mga anak ang hindi daw nila kayang ibigay.

Maraming maraming Salamat po sa inyong lahat at lalong lalo na po sa Puso sa Pasko”.

Illegal Solicitation for Victims of typhoon Yolanda/Haiyan

Milan, Dec 23, 2013 - The Filipino Communities in Milan and Northern Italy are advised to be wary of scammers who might take advantage of soliciting funds for the victims of typhoon Yolanda/Haiyan. It has been learned that scam artists are taking advantage of the global relief efforts for victims of typhoon Yolanda.

The National Security Council in the Office of the President reported that two (2) Filipinas were arrested in Thailand for illegally soliciting funds for the victims of typhoon Yolanda/Haiyan. The two were caught presenting themselves to be part of reputable charitable institutions to get money from unsuspecting donors.

Before making any donation, please verify the background of the persons who will receive the donations and do some research to ensure that the donation will go to an existing charitable institution. (Phil Consulate General Milan)

Philippines participates in L’Artigiano Crafts Fair in Milan

Milan, December 20, 2013 - The annual L’Artigiano Crafts Fair was held in Milan from 1 to 8 December 2013 at the huge Fiera Milano exhibition halls. The lone Philippine participant was Unijel International Trading Inc. led by Ms. Lucia de Belen. Unijel manufactures fashion accessories and costume jewelries made of local materials such as shells, wood and fibers.

Read more...

Week of Gratitude, ginagawa sa Italya

Pinagaan nila ang hirap, pinaluwag ang dibdib, pinalakas ang nanlulupaypay na bisig at balikat, ginamot ang mga sugatan, nilagyang laman ang kumakalam na sikmura at binalutan ang nanlalamig na katawan ng mga kapatid natin sa Central Philippines!

Roma, Disyembre 18, 2013 - Ginanap ang isang press conference kahapon sa Philippine Embassy sa Roma kung saan opisyal na inilahad sa  media ang “Week of Gratitude” sa Europa at buong mundo sa naging pagtugon  at patuloy na pagtulong ng maraming bansa sa Pilipinas. Sinimulan noong dec 15 at magtatapos sa dec 22 sa pangunguna ng EnFiD Italy (European Network of Filipino Diaspora).  

Sinimulan ang press conference sa panonood ng mga video clip kung saan mapapanood ang tindi ng hagupit ng super typhoon na tumama sa Central Philippines noong nakaraang Nov 8, at ang pinsalang iniwan nito, ang mga nasawi, pamilyang naulila na nawalan ng tahanan at ikabubuhay, gayun din sa imfrastraktura at agrikultura.

Ayon sa pinakahuling ulat, sinabi ni Ambassador Virgilio Reyes Jr na umabot sa 6,000 ang mga nasawi at higit sa 2,000 ang nawawala at higit sa 27,000 ang sugatan.

Sa kabila nito, binigyang-diin ang naging kasagutan ng maraming bansa. Ang mabilis at konkretong tulong, pakikiisa at pakikiramay.
Pinagaan nila ang hirap, pinaluwag ang dibdib, pinalakas ang nanlulupaypay na bisig at balikat, ginamot ang mga sugatan, nilagyang laman ang kumakalam na sikmura at binalutan ang nanlalamig na katawan ng mga kapatid natin sa Central Philippines!”, ayon kay Monsignor Jerry Bitoon, ang coordinator ng Ita-Fil Care, isang sangay ng ENFid na nakatutok sa humanitarian assistance

At bilang pasasalamat sa higit 40 bansa ay inilunsad ang pagdiriwang ng Week of Gratitude. Ito ay sabay-sabay na ginagawa sa 18 bansa sa Europa at magpapatuloy maging sa United States,  ayon kay Marie Luarca-Reyes, ang Presidente ng ENFiD Europe.

Matatandaang sinimulan sa Roma ang Week of Gratitude ng mga kabataang Pinoy sa ginanap na flashmob noong nakaraang linggo sa stazione Termini.

Samantala, ayon kay Unicef CEO, tinatayang 5.800.000 ang mga batang nawalan ng tahanan, 12,000 ang paaralang nasira at 9,000 kindergarden school. Umabot naman sa halos 450,000 survival kit water purifier ang kanilang ipinamahagi at 35,000 ang mga batang binakunahan ng Unicef.

Binigyang-diin ng Caritas Italiana na panatiliing mainit ang tema ukol sa pangangailangan ng tulong ng Pilipinas para sa reconstruction ng mga lugar na hinagupit at tinatayang mahabang panahon pa ang kakailanganin upang bumalik sa normal na pamumuhay ang mga biktima.

Ayon sa Agire, sa tulong ng 6 pang mga NGOs ay kanilang natugunan ang prime necessities ng 300,000 katao.

Inilahad naman ng mga Konsehal sa Roma ang mga programa ng Filipino community sa Roma ukol sa pangangalap ng tulong sa iba’t-ibang paraan at magpapatuloy pa sa hinaharap bilang pagtugon sa long term program of reconstruction.

Kasabay nito, inilahad ni Monsignor Jerry Bitoon ang nalalapit na pagtitipon sa Jan 12 sa Gran Teatro kung saan magaganap ang ‘pledging’ bilang paraan ng donasyon.

Isang taimtim na panalangin at makabuluhang pagsisindi ng kandila ang naging simula ng pagtitipon upang gunitain ang mga nasawi. Ang liwanang ng kandila ay sumisimbolo bilang liwanag at pag-asa naman sa mga biktima.

Gayunpaman, ang “Week of Gratitude” ay magpapatuloy hanggang sa dec 22 kung kaya’t ang mga Pilipino sa Italya at sa buong mundo ay inaanyayahan na ating masuklian ng mainit, nag-uumapaw at sinserong PASASALAMAT ang mga tumulong sa ating Inang bayan. (ulat ni Pia Gonzalez - larawan ni Stefano Romano)