"Handog namin ang "When you wish upon a star" sa mga naniwala at nagtiwala sa aming grupo at nangangakong lalong pagbubutihin bilang mga Filipino at nuovi cittadini Italiani (bagong mga Italians)".
Rome, Mayo 16, 2012 - Ang FMA o Filipino Musical Academy ay itinatag noong March 7, 2010, apat na taon makalipas ang pagkakatatag sa The Holy Family Chorale, ng mag-asawang Jessie at Lenny Ramirez. Ang unang public appearance ng nasabing grupo ay sa Roma, sa isang Intercultural affair sa Tenda Roma na humakot ng papuri mula sa iba’t ibang Pinoy and Italian associations. Dahil dito, ay naging main stay ng musical life ng mga Pinoy ang FMA. Mula sa iilang miyembro, ngayon ay higit sa 30 ang mga kabataang nagsusumikap upang pagbutihin ang kanilang talento sa recital, singing, at dancing modern, hiphop at cultural.



Rome, Mayo 8, 2012 - Isang sit-in protest rally sa Huwebes May 10, ganap na alas tres ng tanghali sa Largo Ecuador (malapit sa Chinese Embassy) ang gagawin ng mga Pinoy sa Roma bilang pakikiisa sa mga bansang United States, Hong Kong, Canada, Australia, Thailand, South Africa, Germany at United Arab Emirates ukol sa sapilitang pag-aangkin ng China sa yamang pag-aari ng Pilipinas, ang Panatag o Scarborough Shoal kilala rin bilang Bajo De Masinloc.
Palermo, Mayo 3, 2012 - Ang Philippine Under 14 Football team o mas higit na kilala bilang Little Azkals ay ginimbal ang lahat nang pinataob ang kanilang kalabang Regina Calcio ng Seria B sa score na 8 – 0. Mas higit na namangha ang mga manood kasama ang mga maraming Pilipino nang nilimas ang score na 10 – 0 sa kanilang pangalawang laro sa Reggio Calabria laban Inter Reggio.
Rome, Abril 23, 2012- "Salamat sa Diyos at hindi talaga nasayang ang malaking sakripisyo naming mag-asawa sa pagtatrabaho sa ibang bansa."Ito ang unang katagang nasabi ni Mrs. Escolastica "Esting" Nucup matapos makatanggap ng balita na pumasok ang Team Philippines bilang semifinalist sa 2012 Jessup International Law Moot Court Competition na ginanap sa Washington D.C. nitong nakaraang Marso.



