Saturday, May 19th

Last update09:28:58 AM GMT

Balita Italya Pinoy hinoldap sa Salaria

Pinoy hinoldap sa Salaria

  • PDF

Roma, 22 Pebrero 2012 - Inaresto ng mga pulis ng Roma Salaria ang isang 22 taong gulang na Romano, may police record, sa salang panghoholdap nito sa kasing edad na Filipino para ibili ng drugs. Ito ay naganap noong nakaraang gabi.

altKalalabas lamang ng biktima mula sa restaurant sa Via Salaria kung saan ito nagtatrabaho bilang waiter nang tinutukan ito ng kutsilyo upang hingin ang perang dala nito. Nagsisigaw ang bitima na narinig naman ng kanyang kapatid na nagtatrabho rin sa parehong restaurant. Sumugod ang kapatid ng biktima na naging sanhi ng pagtakas ng magnanakaw.

Matapos ang sampung minuto, habang naglalakad ang magkapatid pauwi ng bahay ay muling sumulpot ang magnanakaw at hinamon ang dalawa dahil sa di natuloy na pakay nito.

Samantala, paparating ang isang nagpa-patrol na sasakyan ng mga pulis na pumigil sa away at nagdala sa tatlo sa prisinto upang kilalanin ang mga ito.

 

 


Joomla Templates and Joomla Extensions by ZooTemplate.Com
Comments
Add New Search
Write comment
Name:
Email:
 
Website:
Title:
UBBCode:
[b] [i] [u] [url] [quote] [code] [img] 
 
Please input the anti-spam code that you can read in the image.